FX Ride…
June 27, 2008Habang pauwi ako ng bahay galing ng work, nakadungaw ako sa labas ng FX. Ang mga katabi ko parang mga pagod na pagod, siguro stressed din sila sa work nila kaya ganun na lang ang pagkaantok. Ako rin medyo antok pero di ko ugaling matulog sa byahe kasi nakakatakot at nakakahilo lang, di ako sanay eh. Ayun nga sa kasagsagan ng aking pagbyahe, may nakita akong maglola sa daan, medyo na touch ako kasi yung apo nya akay akay ang kanyang lola sa pagtawid, malapit sila salikod ng FX kaya nakita ko yung mga hitsura nila. Si lola bulag..na touch ako sa apo kasi sobrang alalay nya sa lola nya. Medyo nakaramdam ako ng pagkalungkot at may kurot din sa puso ko kasi nahabag ako sa kalagayan nila. Minsan nakakaguilty rin dahil minsan nakakaligtaan nating magpasalamat so kung anong meron tayo sa buhay, may marangal na trabaho, may maayos at mapagmahal na pamilya, gayun din ang mga kaibigang laging nakaalalay sayo. Hindi lang sa mga materyal na bagay tayo dapat magpasalamat kundi sa mga mabubuting nangyayari sa ating buhay na hindi matatapatan ng kahit na anong bagay o pera.
Madami talagang masasaksihan habang nasa byahe ka, ika nga sa kanta eh iba’t ibang eksena sa jeepney (pwede ring FX, Taxi at BUS) ang iyong makikita, may action, comedy at drama. So habang nakadungaw ka sa bintana ng sasakyan, para kang may malaking TV, at sa TV na yun marami kang matututunan sa reyalidad ng buhay. Nasa atin na yun kung paano tayo matututo sa mga nasasaksihan natin sa araw-araw nating pagbyahe.
So paano, ingat and enjoy the ride…
Focus…
June 26, 2008Focus…kailangan natin ito sa pang araw araw na buhay natin…Focus hindi lang sa isang bagay, kundi sa mga tao at mga kaganapan sa ating buhay. Kung wala tayong focus, yung mga bagay na naumpisahan natin eh malamang matengga lang at hindi matapos..Bakit? kasi nga walang focus, kung baga hindi nakatuon ang atensyon mo sa iisang bagay lang. Marami kang naiisp na hindi mo namamalayan eh nawala na yung interes mo sa naumpisahan mong gawin.
Ningas kugon ba ang tawag dun? Mañana habit tama? Hindi naman maalis sa atin ang ganyang gawi, kahit ako ganyan din paminsan, minsan ha, hindi madalas. Mahirap din kasi yung makagawian mo yung ganyang habit eh, hindi maganda di ba?
Next time keep your focus, isa ring factor yan para umunlad ka… Focus…focus…focus…
Cheers
First Day High…
June 18, 2008Adjustment….Period
Currently ay nasa adjustment period pa ako. Imagine.. new building..new environment…new people…new system…new route sa pagpasok sa trabaho.Nakakapanibago talaga as in, pero hindi naman ito ang unang pagkakataon na naexperience ko ito kaya medyo carry na rin. Yun bang tipong makikiramdam ka sa mga taong bagong makakasama mo, dahil huhulihin mo pa ang mga ugali nila. May mailap, may nakangiti lang na hindi mo alam kung anong iniisip or naiisip tungkol sayo, may tahimik lang sa isang tabi na ewan kung talagang busy or nagpapakabusy lang, merong approachable at alam mong sincere kausap. Well kailangang masanay na ako sa ganitong environment, dahil matagal tagal rin ang gugugulin kong panahon rito sa lugar na ito, kasama ang mga nabanggit kong iba’t ibang klaseng tao.
First Day High….ano nga ba ang feeling kapag first day mo sa trabaho? Tulad din ito ng first day sa school nung nag-aaral pa tayo, ang pagkakaiba lang eh nung nag-aaral tayo eh tayo yung binibigyan ng pera pang baon, sa trabaho baligtad na kasi tayo na yung kumikita.
How does it feel??
1) Syempre anjan na yung kaba or tension na tinatawag. Ramdam ko ito ng konti kasi nga di ba hindi mo alam kung anong naghihintay sayo na mga panibagong challenges sa pakikisama pa lang eh challenge na di ba? or sa work kasi syempre bagong sistema na naman bagong aaralin.
2) Pagkainip/bored or pagkaantok. Syempre sa unang araw orientation lang yan. Kwento dito, kwento doon, pakilala dito pakilala doon. Then after nun iiwanan ka na sa area mo at bahala ka na mag-isa,maliban na lang syempre kung may mga new friends ka na sa unang araw mo pa lang.
3) Lungkot/Sadness. Syempre nakakasad kasi namimiss mo yung mga nakaugalian mo ng gawin at yung mga kasa-kasama mo lagi lalo na sa mga kulitan at tawanan kapag breakfast, lunch break, coffee break, meryenda break, yosi break at kung anu-ano pang break na meron kayo noon.Minsan nga kahit hindi break masaya eh di ba?
4) Excitement. Syempre excited ka sa bago mong work, may mga bagong kaalaman ka na naman na matututunan na pampadagdag sa nakasulat sa resume mo.
5) Atatment or pagiging atat (sorry di ko alam yun sa english eh hehe)… Kapag first day syempre orientation nga lang di ba? So wala ka pang masyadong load or assignment nun. So ang nangyayari eh tingin ka ng tingin sa oras at atat na atat ka ng mag uwian. Kapag wala ka pa naman masyadong ginagawa eh ang tagal ng oras di ba? Medyo related na rin sa excitement ito…lalo na kung malapit ka lang sa mall hehehe…exciting di ba? Yun nga lang magastos…
6) Kawawa effect. Madalas itong nangyayari ah, kawawa ka kasi mag isa ka lang, at wala ka pang ka close, so ang siste eh mag-isa kang kakain, mapapanis ang laway mo kasi wala kang makausap, sasakit ang mata mo kasi laging yung monitor lang ang natititigan mo, masakit sa balakang kasi di ka gumagalaw sa kinauupuan mo (maliban na lang kung ang punta mo ay CR), at masakit sa ulo kasi mahirap magpanggap na busy ka dahil wala ka pa ngang masyadong ginagawa. Swerte ka kapag friendly ka at friendly yung mga bagong kasamahan mo. Atleast may chika/kaututang-dila ka kahit papano.
Nafeel mo na rin ba yung ganito nung first day mo sa work?
Well all i can say again is GOODLUCK…to me at goodluck sa mga taong nakakaranas ng ganitong pagka HIGH.
Ikaw ba’y nalulungkot?
June 16, 2008Ikaw ba’y nalulungkot?
Well, kaya ganyan ang title ng post ko ngayon eh medyo nakakaramdam ako ng bahagyang pagkalungkot. Bakit? Dahil, pansamantalang mawawalay muna ako sa mga kaibigan at kasamahan ko sa trabaho. Pero ok lang naman may chat pa naman eh so keep in touch pa rin naman kahit papano.
Sana lang eh mababait rin ang magiging bago kong makakasama sa hanapbuhay. Sana hindi supladito’t supladita. Sana masasayang kasama at hindi boring. Sana approachable din at ok makisama. Sana madami akong matutunan sa kanila. Sana…well wish ko lang…Ating alamin kapag nag start na ako dun, kung saan man yun.
Pero syempre di ba, kung gusto mong maging ok ang pakikisama ng ibang tao sa iyo. Dapat sa sarili mo alam mong ok ka ring makisama sa ibang tao. Maging friendly, kung hindi nature sayo ang pagiging friendly at tahimik ka tulad ko. Hmmm basta maging friendly ka lang, wag managasa ng ibang tao. Sa mga chikahan wag manira ng ibang tao. Kapag naninira ng iba ang ibang mga kasamahan, dedma lang eh kung wala namang ginagawang masama sa iyo di ba, bat ka maninira? Be yourself din, ilabas ang tunay na sarili at wag magpanggap. Pero tanggapin na natin na kahit saan ka man magpunta may mga tao talagang for sure eh di mo makakasundo. You can’t please everybody di ba? Simple lang naman ang prinsipyo ko sa buhay, kung ayaw nila sayo, wala tayong magagawa dun, pumili ng ibang makakasama at makipag kaibigan.
Remember: The Golden Rule… Kung ayaw mong gawin sayo, wag din gawin sa iba.
Basta ang masasabi ko na lang ay GUDLUCK..
Kaya natin to….Aja…


