Thank you to those people who inspires me...who motivates me...who made me laugh, made me cry, made me realize the purpose of everything in life...Im Livin n' Lovin My Life...

Home » Archives » 26. August 2008

It’s raning cats and dogs…

August 26, 2008

 

Sa mga oras na ito eh nakararanas tayo ng napakalakas na pag-ulan..Pag umuulan, malamig, masarap matulog at mag relax..Sabi rin ng iba kapag umuulan eh medyo mas nakak depress kasi parang lumuluha ang kalangitan..na nakakadagdag ng pagbigat ng ating kalooban…

Pero maraming alaala ang nanunumbalik sa akin sa tuwing umuulan ng malakas. Gawa kasi nung ako’y bata pa, mahilig kaming mag tampisaw at maligo sa ulan..Ugali nyo rin yun nung kabataan nyo…hehehe.. Nakakamiss di ba? Masarap ang tumakbo at pumunta sa ilalim ng alulod para sahurin ang tubig na ibinabagsak ng ulan sa bubungan ng bahay ng kapitbahay nyo. Wala lang nakakatuwa lang isipin at alalahanin ang mga panahong iyon…

Sana tumila na ang ulan para makauwi ng maayos…Rain rain go away come again another day..

Posted by starlight at 4:43 pm | permalink | Add comment