Thank you to those people who inspires me...who motivates me...who made me laugh, made me cry, made me realize the purpose of everything in life...Im Livin n' Lovin My Life...

Home » Archives » 27. September 2008

Beauty or Brains?

September 27, 2008

At long last nakapag post ako ulit dito sa aking munting blog..Miss ko na ah, medyo tagal kong nabakante..Sensya na nagig busy lang po nitong past few days.. Anyways gusto ko lang pag usapan ano ba ang mas importante? beauty nga ba or Brains? Hmmm kung ibang tao ang tatanungin, iba iba rin ang kanilang magiging opinion yung iba gusto nila Beauty, yung iba Brains…

 

Pero kung ako ang tatanungin..para sa akin, importante ang Beauty, importante rin ang Brains…Pero, para sa akin ang pinakaimportante sa lahat is yung attitude/character ng isang tao..Bakit? Eh kasi naman di ba? What is beauty if the brain is empty? pero may kasunod pa yun eh…what is brain if the heart is empty..Mas maganda yung maganda ka na, matalino ka pa, at meron kang magandang kalooban..Yan ang masasabi kong almost perfect kasi wala namang perfect di ba? Basta mas importante sa akin ang kagandang loob ng isang tao, mas magandang pakibagayan at pakisamahan ang mga taong may mabubuting kalooban. gaya ni Betty di ba? Hindi nga sya nabiyayaan ng magandang mukha, pero andun yung kanyang talino na naibabahagi nya sa kanyang kapwa, at bukod pa run eh andun yung kagandahang loob na taglay nya na hinubog sa loob ng kanyang pamilya…

Sana maging bukas ang isipan at mga mata natin na sa mundong ito lahat tayo ay pantay pantay..Mayaman ka man or mahirap, maganda ka man or hindi kagandahan, matalino ka man or talented, ang importante sa lahat ay ang kabuuan ng iyong pagkatao…

Posted by starlight at 5:30 pm | permalink | Add comment