Thank you to those people who inspires me...who motivates me...who made me laugh, made me cry, made me realize the purpose of everything in life...Im Livin n' Lovin My Life...

Home » Post Item » User Friendly or Friendly User???

User Friendly or Friendly User???

June 10, 2009

Sa panahon natin ngayon, masasabi nating may mga tao talagang user..as in kaibigan ka lang kapag may kailangan sila sayo or kailangan lang nila ng makakausap at makikinig sa bawat hinagpis, hinaing at problema nila sa buhay. Kapag feeling mo eh ok na sila at masaya na sila sa buhay nila eh biglang mag didisappear na lang ng walang pasabi or dedma ka  na lang sa kanila, para silang isang bula na bigla na lang maglalaho. Ewan ko ba, kung sa bagay iba iba naman ang klase ng tao eh, pero bakit nga ba ganun? Kaibigan nga ba silang matatawag?  Di naman sa nagdadrama ako or nag-iinarte. Pero aminin man natin at hindi ay merong mga ganitong klaseng tao na nakakasalamuha or nakasalamuha na natin sa buhay. Bakit ko ba naisip at naisulat ang mga ganitong klaseng bagay?

Siguro may isa lang akong taong namimiss na madalas eh nakakausap ko at nakakakwentuhan ko halos araw-araw. Syempre kaibigan ko eh, kaya siguro ganito ang napi-feel ko (tampo mode). Pero sana anu’t ano pa man, sana ay lagi syang nasa mabuting kamay. Syempre concern pa rin naman ako sa taong ito nasaan man sya.

Nasanay lang din siguro ako ng madalas syang nakakausap, at nakakakwentuhan ng kahit na walang ka kwenta kwentang bagay ay napag-uusapan namin. Malamang eh may dahilan kung bakit di na sya nagpaparamdam. Pwedeng putol or sira lahat ng lines for communication, o sira ang computer, o walang load, o madalas lang mag brownout sa lugar nila kaya di makapag online, pwedeng nasa isa syang mahabang bakasyon kung saan walang signal sa lugar na yun at marami pang ibang dahilan ng di nya pagpaparamdam.

Anyways sa tagal na rin naming di nakakapag-usap eh medyo nasanay na rin ako. I’ll just wish that person well, at sana ay lagi syang maging masaya. At sana nga ay natagpuan na nya yung kasiyahang matagal na nyang pinapangarap.

Goodluck na lang din and God Bless sa taong yun…hanggang sa muli…

 

Posted by starlight at 1:22 pm | permalink

Add a comment