Thank you to those people who inspires me...who motivates me...who made me laugh, made me cry, made me realize the purpose of everything in life...Im Livin n' Lovin My Life...

Home » Archives » 17. June 2009

Naguguluhan sa isang kaguluhang magulo…

June 17, 2009

“Doing what you love and loving what you do..”Ito na marahil ang pinakamagandang statement na pwede kong sabihin sa isang taong nagnanais na umunlad at may makamit na maganda sa kanyang buhay. Very inspiring at may balance pa. Gusto ko syang gawing motto ko pero parang di ko ma apply eh, ewan ko kung bakit. Naguguluhan ako eh, sa kung ano talaga ang gusto ko na makakapagpasaya sa akin at kung mapapasaya ba ako ng gusto ko. Magulo ba? Oo magulo talaga kasi kahit ako gulong gulo na eh. Masaya nga ba ako o hindi? Bakit ako masaya kasi ano eh! ah ehh..?!

Hayss ang gulo, di ko alam kung saan ako mapapadpad sa pinili kong landas na ito. Pinili ko nga ba ang landas na ito or ako ang pinili ng landas kung nasan at ano ako ngayon? So far ok naman talaga sya kasi kung icocompare ko sa iba ok naman talaga.. Pero yung masaya ako. Alam ko naman na masaya ako pero di ko masyadong ramdam na masaya ako. Magkaiba yun di ba? Kung ano yung alam mo sa kung ano yung nararamdaman mo?

Sana lang di ko pagsisihan kung ano man ang landas na pinili ko or sana hindi ako nagkamali sa pagtanggap ng landas na syang pumili sa akin.

Pasensya na kung pati ikaw nadamay sa kaguluhang ito.. wala akong intensyong  guluhin ka pero gaya nga ng nasabi este nasulat ko kanina gulong gulo lang talaga ako hehe..gulo noh..

Posted by starlight at 10:05 am | permalink | Add comment