Thank you to those people who inspires me...who motivates me...who made me laugh, made me cry, made me realize the purpose of everything in life...Im Livin n' Lovin My Life...

Home » Archives » 25. June 2009

Just an ordinary antok day…

June 25, 2009

Grabehh ang araw na ito…ginawa ko ng lahat ng mga steps para mawala ang aking antok eh super antok pa rin ako… Siguro dala na rin ng panahon natin ngayon kung saan malamig ang simoy ng hangin at makulimlim ang mga ulap. Nakakaengganyong pumikit,sumandal/humiga/sumubsob sa desk at matulog. Pudpod na nga ang kantang Jai Ho na mp3 ko eh at paos na rin si Nicole kaka ulit sa kanta pero antok pa rin ako. Mahaba-haba na rin ang nilakad ko kung susumahin ang parun at parito ko sa CR pero antok pa rin ako. Mas lalong nakakadalang matulog lalo na’t nasa harap ko ang bintana at kitang kita ko ang makulimlim na ulap na tila nagtutulak sa akin na matulog na. Di bale malapit na naman ang oas ng uwian eh, im sure pagdating ko nito ng bahay eh wala na ang aking antok.

Posted by starlight at 3:24 pm | permalink | Add comment