Thank you to those people who inspires me...who motivates me...who made me laugh, made me cry, made me realize the purpose of everything in life...Im Livin n' Lovin My Life...

Home » Post Item » Paalam Pareng Jacko…

Paalam Pareng Jacko…

June 26, 2009

Michael Jackson confirmed dead…at 2:26 pm (June 25, 2009) at a hospital in Los Angeles after reportedly suffering a cardiac arrest.

Nakakalungkot naman na kahit hindi kami close ni Pareng Jacko eh im sure isa sya talagang malaking kawalan sa Music Industry. Ako nga eh nalulungkot rin sa maagang pagkawala nya dito sa mundong ibabaw, lalo na siguro yung mga avid fans nya na simula nung bata pa sya eh talagang nakasuporta na sa kanya. Para sa akin isa talaga sya sa masasabing Legend na pagdating sa Showbiz/Music Industry, napakaraming kanta nya ang super naging patok hindi lang sa Tate kundi sa buong mundo. Napakarami rin nyang kanta na very inspiring at tungkol rin sa ating environment. Mamimiss ko sya, kahit na hindi na sya ganun ka visible sa TV eh, iba pa rin yung alam mong buhay pa sya. Kahit na kinuha na sya ni Lord, hindi pa rin matatawaran ang naging kontribusyon nya sa bawat umiidolo sa kanya sa pamamagitan ng kanyang mga awitin, ang mga iniwan nyang alala ay hindi makakalimutan ng mga taong nagmamahal sa kanya.

 Paalam Pareng Jacko, ikaw lang ang nag-iisang KING OF POP!!!

Nakikiramay ako sa pamilya, kaibigan, fans, at napakaraming supporters worldwide ni Pareng Jacko. May he rest in peace.

 

Posted by starlight at 8:33 am | permalink

Add a comment