Thank you to those people who inspires me...who motivates me...who made me laugh, made me cry, made me realize the purpose of everything in life...Im Livin n' Lovin My Life...

Home » Post Item » Troubled…

Troubled…

June 30, 2009

Ano ba tong bumabagabag sa isipan ko?  Di ko maintindihan eh, naguguluhan na naman ako, nakakapag-isip isip ng mga bagay na makakatulong sa sarili ko. Sino nga naman ba ang makakatulong sayo di ba kundi ang sarili mo lang. Kailangan lang ay lakas ng loob at tibay ng dibdib, kapal ng mukha at tatag ng sikmura. Teka meron ba ako ng mga nabanggit kong yun? Mukhang wala ah, hayss down na naman ang feeling ko ngayon. Siguro dala na rin ito ng pabago-bagong panahon natin sa ngayon. Minsan ang tindi ng  sikat ng araw na halos maglawa na ang kili-kili mo sa pawis dala ng sobrang kainitan, minsan naman sa kalagitnaan ng matinding sikat ng araw eh biglang bubuhos ang isang malakas na ulan, na di mo alam kung saang ulap nanggaling. Sunod lang sa flow sabi ng ibang taong nakapaligid sa akin, pero hanggang kailan ako susunod sa agos na ito? Hanggang kailan ako magiging sunud-sunuran sa mga sasabihin at ididikta ng iba? Hanggang kailan ako magiging duwag?

Kakayanin ko hanggang sa makakaya ko… Susunod ako hanggat may susundan ako…Lord tulungan mo ako na maging matatag, kailangan ko po ng lakas, naniniwala po akong kaya ko ayon sa aking sariling kaalaman, kakayahan at limitasyon…

Posted by starlight at 9:01 am | permalink

Add a comment