Reunion…(naexperience mo na ba?)
July 31, 2009Exciting kapag may reunion..Reunion sa school, mga alumni, reunion ng barkada, family reunion, reunion ng mga fans club at kung anik-anik pang mga pagtitipon kung saan magkakasama at magkikita kayo ulit ng mga kakilala mong pagkatagal-tagal ng nawalay sayo. Actually ako naexperience ko ng pumunta ng mga reunion, barkada reunion at family reunion. Ang hindi ko pa naeexerience eh ang magpunta sa mga alumni at school reunions at yung reunion ng fans club kasi wala naman akong fans club (hehehe). (more…)
KAPAMILYA ka ba O KAPUSO?
July 28, 2009Maraming tao ang may gusto sa Kapamilya channel at meron din naman sa Kapuso channel. Nakakairita lang minsan ang network War e, pero may maganda rin itong nagagawa kasi mas nag eeffort at nagiging maganda ang iba’t ibang shows ng magkalaban na istasyon para lang makuha nila ang atensyon ng mga viewers. (more…)
Krung-krung…(Korean trip lang)
July 23, 2009Nakakatuwa naman, hindi ako fan ng mga Koreans pero natutuwa ako at mukhang nag sisimula na talaga akong maging fan nila. Una i love their korean novelas, ngayon naman mas naaappreciate ko yung mga songs nila. Kahit na di ko maunawaan kung ano ang sinasabi nila sa mga songs nila eh nagagandahan ako sa melody at rythm ng mga ito. Tungkol sa mga Koreanovelas madami na akong napanuod at nahumaling ako hindi lang sa mga artista at characters na involve dito kundi pati sa story, merong mga romantic comedy, drama, heavy drama, love story at kung anik anik pa na huli rin at tugma sa panlasa ng ibang mga pinoy gaya ko… (more…)
"Minsan ka lang maging bata…"
July 21, 2009
Sa aking paglalakbay tungo sa aking patutunguhan, maraming mga bagay akong nasasaksihan…Habang nag-aabang ako ng masasakyang jeep sa kahabaan ng espana eh nakakita ako ng mga kabataang tumutugtog ng tambol na yari sa lata ng gatas, na kung saan ay may partner syang isa pang bata na may dala-dala namang puting sobre na kung saan pwede mong ilagay ang iyong kaunting tulong sa kanila. (more…)
Artista Fan ka ba?
July 20, 2009
Artista fanatic ka ba? Kung taglay mo ang mga sumusunod na katangian eh malamang nga na isa kang Die-Hard, Ultimate, Solid, Fantastic, Original, Everlasting, Adik fan ng isang artista. (more…)
A Painful Discovery…
July 17, 2009Haysss, di ko alam kung anong mararamdaman ko.. May natuklasan akong isang bagay na napakasakit para sa akin. Hindi ko matanggap ang natuklasan ko. Pero anong gagawin ko? Natatakot ako sa mga pwede kong gawin at pwedeng gawin sa akin ng discovery ko na iyon. Sa ngayon para akong nakalutang sa kawalan, at nagninilay nilay kung bakit sumapit sa ganun ang discovery ko na iyon. Ano ang naging pagkakamali at kasalanang nagawa para sapitin ang ganung pangyayari? Saan at sino ang may pagkukulang? Bakit? Paano? At Kailan pa? Ito ang mga tanong na bumabagabag sa akin sa ngayon. HIndi ko mapigilang lumuha at magdamdam dahil sa tingin ko hindi ko deserving ang ganung klase sa natuklasan ko. Maaring wala pang kumpirmasyon sa discovery ko na iyon pero malakas ang kutob ko, at natatakot ako sa kutob ko na iyon. HIndi ko alam talaga kung anong gagawin ko. Sana lang hindi ko na natuklasan ang napakasakit na discovery na yun, pero baka may dahilan kung bakit sa isang iglap ay bumulaga sa akin ang napakasakit na discovery na iyon. Saan ako magsisimula? Paano ko lulutasin ito? Hanggang kailan ako magtatanong? Kailan ko mahahanap ang kasagutan? Kaya ko ba ? O Makakaya ko kaya ito? Sino ang tutulong sa akin? Kanino ako hihingi ng tulong? Napakaraming tanong na naghahanap ng kasagutan. Sana lang makaya ko ang unos na ito. Sana..Lord tulungan mo ako, alam kong hindi ko ito kaya ng mag-isa. Salamat at lagi kang anjan, hindi mo ako iniiwan sa ere at alam kong hindi mo ako iiwan lalo na ngayon…
Salamat din sa blog na ito, kahit papano nailalabas ko lahat ng hinaing at problema ko…Sa mga mambabasa ko…salamat din sa pang-unawa…pasensya na kung medyo mabigat ang post ko ngayon. Sadyang dumarating lang talaga na ang lahat ng tao ay humaharap sa iba’t ibang klase ng problema. Ipagdasal nyo na lang na sana ay malampasan ko ito. Salamat…
My Creation..just a simple poem…
July 14, 2009
“Destiny”
by Starlight
Destiny calls us
It will bind us..
You and me together..
Love will last forever..
Sometimes it makes me wonder..
Why other lovers don’t last any longer..
Isn’t love is the most important..
Or it is just me that is ignorant?
The attack of this Kainis Person…
July 10, 2009Another nakakainis day for me. Bakit? Ang dami kasing mga manloloko sa mundo. Ewan ko ba naglipana silang lahat jan sa tabi-tabi. Pati mga taong gaya ko na nananahimik ang buhay eh ginugulo pa nila. I wonder why? Kasi galit sila sa mundo kaya naghahanap sila ng damay? Or sadyang mapang-asar lang sila at maligaya sila kapag nakikita nilang asar na ang taong nabiktima nila or tipong naglalambing lang daw gaya ng sinasabi nya (referring to This Kainis Person)?
Halata bang inis ako? Eh kasi naman eh merong isang taong ewan ko ba, actually di ko alam kung kailan sya seryoso sa mga sinasabi nya or kailan sya nagbibiro, halos same lang kasi ang pananalita at ang gesture nya eh kapag seryoso or nagbibiro lang. Di ba mahirap yung ganun? Na kailangan mo pang maging si Madam Auring at tingnan ang bolang kristal para mahulaan kung seryoso na ba sya or hindi pa sa nga pinaggagagawa at pinagsasasabi nya? Ano to guessing game? As if naman may prize kang matatanggap kapag nahulaan mo di ba? Pero hindi eh, inis at pagkaasar lang ang mahihita mo kapag umatake na si kainis person na ito. Sino sya? Basta isang taong nakakairita, kasi parang feeling ko napaglalaruan ako eh, nabibilog ang ulo kumbaga…Split personality ba ang tawag sa katulad nya? Doble-kara? Two-face? Joker? Ah basta sure akong hindi sya si Batman… Sya si kainis person na bigla na lang magpaparamdam out of the blue at gagawin kang manghuhula sa kung ano bang inaarte nya sa buhay…Kaartehang taglay talaga (Feeling nya…)
To: Kainis Person: Hoy!!! kainis person ka, kung nababasa mo tong post kong ito, oo ikaw nga ang tinutukoy ko dito..ano guilty ka na ba? Kung pwede lang sana ayus-ayusin mo yang style mo dahil hindi ka nakakatuwa…Nakakadagdag ka lang sa mga bagaheng dala ko at hindi ka nakakatulong tulad ng sa inaakala mo…Try mo kayang humarap sa salamin at gawin mo yang kaartehan mo sa buhay at inisin mo yang nakikita mo sa salamin, tingnan ko lang kung hindi ka mapasabi ng “Hoy Kainis Person Ka, Wag ka Ngang Mag Inarte Dahil Hindi Ka Artista”.
Not for Kainis Person: Pasensya na po kung medyo negative vibes itong post ko ah, nagrerelease lang po ng pagkainis at pagkadismaya sa inaarte ng isang taong tinuturing kong isa sa malapit kong kaibigan…Don’t worry ngayon lang to…gusto ko lang mag release ng stress dahil nakakastress sya…
ANAK, KAPATID at AMA
July 8, 2009Nakakaiyak naman ang mga tagpong aking napanuod sa memorial services ni Pareng Jacko…Actually hindi ko naman napanuod lahat dahil nakatulog na ako sa sobrang kaantukan. Pero ang isa sa mga clips na napanuod ko at talagang pinanuod ko sa internet ay ang message ni Paris sa kanyang yumaong ama.
“I just wanted to say … ever since I was born, Daddy has been the best father you could ever imagine. And I just wanted to say I love him — so much,” said Jackson’s 11-year-old daughter, Paris-Michael, before dissolving into tears and falling into the embrace of her aunt Janet.”
Nakakaiyak ang eksenang ito kahit na tumagal lamang ng ilang segundo. Naramdaman ko kung gaano nya kamahal ang kanyang ama at kung gaano nya ito namimiss ngayon pa lang.
Nalulungkot ako sa sinapit ni Pareng Jacko…Maraming taong nagmamahal sa kanya and yet marami ring taong humuhusga sa kanya ng hindi nila alam ang mga totoong pangyayari sa kabila ng mga naglalabasang masasamang balita tungkol sa kanya. Bilib ako kay Pareng Jacko, kung paano nya prinotektahan ang kanyang mga anak, na sa kabila ng lahat ng pinagdaanan nya, nagawa nyang maging isang mabuting ama sa kanila. Isa syang inspirasyon para sa akin..at sa lahat ng nagmamahal sa kanya.
Hindi lamang sya isang singer, composer, artista at businessman, isa rin syang taong may magandang loob para tumulong at magkawang-gawa sa mga nangangailangan, at higit sa lahat isa syang ANAK, KAPATID at AMA.
Love Mother Nature..
July 7, 2009Pag-ibig kay Inang Kalikasan..Isang magandang halimbawa nito ay ang pagtatapon ng basura. Kung anong itinapon mo ay sya ring babalik sayo. Hindi pa huli ang lahat para ma save natin si Inang Kalikasan. Ang kailangan lamang ay ang mga sumusunod:
1) Disiplina - Disiplina sa ating mga sarili, kung meron tayo nito eh hindi malayong maging maunlad ang ating bansa, simpleng pagtapon lamang ng basura sa tamang lugar ay isang napakalaking tulong na kay Inang Kalikasan.
2) Determinasyon - Determinasyong gumawa ng mga bagay na makakatulong kay Inang Kalikasan, ang pagrerecycle ng mga basura/bagay na pwede pang mapakinabangan. Marami ng organisasyong gumagawa nito na kung saan ang kanilang mga produkto ay di lamang tinatangkilik sa pilipinas kundi pati na rin sa ibang bansa.
3) Concern - Concern hindi lang kay Inang Kalikasan, kundi concern din sa mga susunod na henerasyon na mamumuhay sa mundong ginagalawan natin ngayon. Ang maipakita sa mga susunod na henerasyon ang ganda ni Inang Kalikasan, pati na rin ang iba’t ibang klase ng hayop na meron tayo ngayon. Dahil baka kung hindi tayo magiging concern eh malamang mga Aso at Pusa na lang ang makilala nilang mga hayop sa Pinas.
4) Takot - Kailangang may takot tayo na maramdaman ang pagkasira ni Inang Kalikasan. Katakot naman talaga kapag nasira sya eh, makakalbo na ang mga bundok na pagkaganda-ganda kapag ito’y punong puno ng mga puno na nakakatulong para maiwasan ang landslide at pagbaha, pagdumi ng hanging ating nilalanghap sa araw-araw, ang pagdumi ng tubig sa karagatan kung saan namumuhay ang mga Isda at iba pang yamang dagat na ating kinabubuhay, ang pagkaubos ng mga hayop sa kagubatan, ang pagkawasak ng mundo dahil sa kawalan ng pagmamahal kay Inang Kalikasan.
5) Faith - Kailangan natin ng faith, faith para maging positive tayong lahat…KAYA NATIN TO..Basta’t sama-sama tayong lahat na nagtataglay ng mga kaugaliang nabanggit ko na makakatulong kay Inang Kalikasan.
6) LOVE - Syempre LOVE ,kung wala ito, hindi natin magagawa ang ating tungkulin bilang isang tao na namumuhay sa mundong ito.
Maging responsable, mapagmatyag, mapangahas at nawa’y lahat tayo ay maging isang Matanglawin. =D


