The attack of this Kainis Person…
July 10, 2009Another nakakainis day for me. Bakit? Ang dami kasing mga manloloko sa mundo. Ewan ko ba naglipana silang lahat jan sa tabi-tabi. Pati mga taong gaya ko na nananahimik ang buhay eh ginugulo pa nila. I wonder why? Kasi galit sila sa mundo kaya naghahanap sila ng damay? Or sadyang mapang-asar lang sila at maligaya sila kapag nakikita nilang asar na ang taong nabiktima nila or tipong naglalambing lang daw gaya ng sinasabi nya (referring to This Kainis Person)?
Halata bang inis ako? Eh kasi naman eh merong isang taong ewan ko ba, actually di ko alam kung kailan sya seryoso sa mga sinasabi nya or kailan sya nagbibiro, halos same lang kasi ang pananalita at ang gesture nya eh kapag seryoso or nagbibiro lang. Di ba mahirap yung ganun? Na kailangan mo pang maging si Madam Auring at tingnan ang bolang kristal para mahulaan kung seryoso na ba sya or hindi pa sa nga pinaggagagawa at pinagsasasabi nya? Ano to guessing game? As if naman may prize kang matatanggap kapag nahulaan mo di ba? Pero hindi eh, inis at pagkaasar lang ang mahihita mo kapag umatake na si kainis person na ito. Sino sya? Basta isang taong nakakairita, kasi parang feeling ko napaglalaruan ako eh, nabibilog ang ulo kumbaga…Split personality ba ang tawag sa katulad nya? Doble-kara? Two-face? Joker? Ah basta sure akong hindi sya si Batman… Sya si kainis person na bigla na lang magpaparamdam out of the blue at gagawin kang manghuhula sa kung ano bang inaarte nya sa buhay…Kaartehang taglay talaga (Feeling nya…)
To: Kainis Person: Hoy!!! kainis person ka, kung nababasa mo tong post kong ito, oo ikaw nga ang tinutukoy ko dito..ano guilty ka na ba? Kung pwede lang sana ayus-ayusin mo yang style mo dahil hindi ka nakakatuwa…Nakakadagdag ka lang sa mga bagaheng dala ko at hindi ka nakakatulong tulad ng sa inaakala mo…Try mo kayang humarap sa salamin at gawin mo yang kaartehan mo sa buhay at inisin mo yang nakikita mo sa salamin, tingnan ko lang kung hindi ka mapasabi ng “Hoy Kainis Person Ka, Wag ka Ngang Mag Inarte Dahil Hindi Ka Artista”.
Not for Kainis Person: Pasensya na po kung medyo negative vibes itong post ko ah, nagrerelease lang po ng pagkainis at pagkadismaya sa inaarte ng isang taong tinuturing kong isa sa malapit kong kaibigan…Don’t worry ngayon lang to…gusto ko lang mag release ng stress dahil nakakastress sya…


