Thank you to those people who inspires me...who motivates me...who made me laugh, made me cry, made me realize the purpose of everything in life...Im Livin n' Lovin My Life...

Home » Post Item » Krung-krung…(Korean trip lang)

Krung-krung…(Korean trip lang)

July 23, 2009

Nakakatuwa naman, hindi ako fan ng mga Koreans pero natutuwa ako at mukhang nag sisimula na talaga akong maging fan nila. Una i love their korean novelas, ngayon naman mas naaappreciate ko yung mga songs nila. Kahit na di ko maunawaan kung ano ang sinasabi nila sa mga songs nila eh nagagandahan ako sa melody at rythm ng mga ito. Tungkol sa mga Koreanovelas madami na akong napanuod at nahumaling ako hindi lang sa mga artista at characters na involve dito kundi pati sa story, merong mga romantic comedy, drama, heavy drama, love story at kung anik anik pa na huli rin at tugma sa panlasa ng ibang mga pinoy gaya ko…


Naalala nyo pa ba si Sandara Park? Eh sino ba namang hindi makakakilala sa kanya di ba? BInansagan pa nga syang Pambansang Krung-krung dito sa Pinas. Dun sa mga hindi pa nakakaalam eh namamayagpag na rin ang karera nya sa kanyang bansang sinilangan, ang Korea. Kabilang sya sa All Girl band na 2NE1. Nakakatuwa si Sandy na mas kilala na ngayon bilang Dara sa Korea. Kasi kahit andun na sya eh dala nya pa rin ang mga Pinoy dahil minsan syang naging bahagi sa showbiz ng pinas at madami na syang naging loyal followers dito..Napanuod ko rin kasing inawit nya yung Pinoy song na “In or Out” sa isang guesting nya dun sa Korea, wala lang natuwa lang ako sa kanya kasi di pa rin sya nakakalimot. Isa pa magaganda yung mga songs nila, now im a fan of 2NE1, i love their songs “Fire” and “I Don’t Care”. Actually nagpapaka teenager lang ako hehe ang cute kasi nila eh di ba? Jologs ba ako? Hindi naman siguro hehe, dun sa mga nega jan, walang basagan ng trip, ito ang trip kaya respeto na lang :) PEACE…

Posted by starlight at 3:43 pm | permalink

Previous Comments

woww great post good luck

Posted by Baju Murah Bagus at January 11, 2012, 2:57 pm

Add a comment