Thank you to those people who inspires me...who motivates me...who made me laugh, made me cry, made me realize the purpose of everything in life...Im Livin n' Lovin My Life...

Home » Post Item » KAPAMILYA ka ba O KAPUSO?

KAPAMILYA ka ba O KAPUSO?

July 28, 2009

Maraming tao ang may gusto sa Kapamilya channel at meron din naman sa Kapuso channel. Nakakairita lang minsan ang network War e, pero may maganda rin itong nagagawa kasi mas nag eeffort at nagiging maganda ang iba’t ibang shows ng magkalaban na istasyon para lang makuha nila ang atensyon ng mga viewers. Para sa iba importanteng makakuha ng mataas na ratings, siguro para ito sa mga pumapasok na adventisements sa mga shows. Pero para sa akin hindi importante na kung ano yung mataas ang ratings ay ang sya kong papanuorin. Lahat tayo ay may kani-kaniyang panlasa at gustong panuorin. Iba-iba tayo ng hilig at interes, so kung ano yung gusto mo dun ka, bat ka papaapekto sa mga ratings ratings na yan, kung alam mo sa sarili mo kung anong ang kagustuhan mo. Minsan kasi may mga taong sarado rin ang pag-iisip eh, na kahit na hindi na nila gusto ang mga palabas eh naka stick pa rin sila sa gusto nilang estasyon kasi loyal sila dito. Nakakaawa naman sila kasi nakapirme lang sila sa isa, eh meron namang iba’t iba pang magaganda na pwede pang pag pilian. Wala akong pinatatamaan, naglalabas lamang ako ng aking opinyon sa mga bagay-bagay na nakakapukaw ng aking atensyon. May mga kakilala rin kasi akong mga tao na mga loyal at sinasabing solid sila sa estansyon nila. Paano nila malalamang may iba pang magagandang palabas kung nakatali ka na sa estasyon mong sa tingin ko eh hindi mo na gusto pero napipilitan ka na lang panuorin gawa ng sa sinasabi mong loyal at solid ka. At minsan ay masyado na rin nilang pinpepersonal pati ang mga artista ng estasyon na wala namang ginagawang masama sa kanila, makapanlait lang sa kalabang estasyon. Tama ba naman yun? Ganung klaseng pag-uugali ba ang naidudulot ng pagiging solid at loyal mo? Ang makapanlait ng ibang taong hindi mo kakilala at lalong lalo na’t walang ginagawang masama sayo? Sana lang ay wag maging bulag sa katotohanan, buksan ang pag-iisip, at sana maging responsableng manunuod tayo. Kapamilya man o Kapuso anjan na rin at umaarangkada ang ABC 5 pati na rin ang ibang local channel, pati na rin ang mga cable channels, na pwedeng pagpilian, anjan sila para magbigay ng moral values sa mga palabas nila, entertainment at information na makakatulong sa bawat isa sa atin.
Kung tutuusin nagrereflect rin ang ganitong scenario sa mga buhay natin eh. Kailangan din nating mag explore at tuklasin ang iba pang mga bagay na makakatulong sa pag-unlad natin at magbibigay ng kasiyahan sa buhay.
Kapamilya ka man o Kapuso just relax, watch a tv and just enjoy the show…

Posted by starlight at 9:00 am | permalink

Add a comment