Hanger…iwasan ang dapat iwasan..
August 27, 2009
Alam mo ba yung feeling ng iwanan kang bigla sa ere ng isang taong ineexpect mo ay sasaluhin ka any moment na mahuhulog ka sa isang sitwaysong akala mo eh andun sya para sa iyo? Masakit di ba? At kung di mo pa ito nararanasan, masakit sya sinasabi ko na sayo. Ano ka hanger na pwedeng isabit na lang sa isang sampayan kung di ka nya gagamitin, tapos huhugutin ka ulit sa sampayan kung kailangan ka na nya? Badtrip di ba? Ang kapal ng fez ng mga ganung klaseng tao. (more…)
Goodbye and Thank you for the Friendship..
August 22, 2009You will always be remembered my very good friend, my ever kulit and thoughtful kuya, my very helpful officemate and a very nice person to everybody.
Thank you for everything and thank you for being a friend, thank you for all the encouragement, thank you for the shoulder when i need someone to lean on, thank you for the jokes and the laughs, thank you for being a kuya.
We love you…and surely we will miss you…May you rest in peace…
sadness beneath the smile…
August 17, 2009
Be true to yourself… mahirap magpretend that everything’s ok if it’s really not. Para bagang isa kang payaso or komedyante na nagkukubli sa isang maskarang nakangiti pero sa likod ng maskarang ito ay tila isang nilalang na dumaranas ng lungkot at pighati (lalim ba?) (more…)
You deserve much better than this…
August 10, 2009
With this statement, several questions pops in my mind… How would you know that you are deserving or are not deserving of what is hapenning in your life? May basehan ba? Checklist? Listahan ng criteria para malaman ito? Let’s say sa isang relationship ng kaibigan mo? Niloko sya ng BF nya, would you tell your friend na “hindi mo sya deserving (referring to her manloloko BF)”? May mas deserving pa sayo? Hindi mo deserving na maloko ng lalaking yan? (more…)
No Choice? It’s your choice…
August 6, 2009
Guilty ako dito sa situation na ganito. Actually lagi ko ngang sinasabi kapag nagigipit ako sa isang situation na hindi ko gusto eh “No Choice Eh”. Eh pwede ba namang no choice? Di ba in every situation dapat laging may pagpipilian? Either kung ang setup ay hindi pwede sa option A dapat meron laging option B or option C or D. Isa lang ako sa napakaraming tao na duwag na makipagsapalaran, kung baga laging on the safe side. Yun bang hindi mo kayang panindigan ang mga bagay na gusto mo. (more…)
Salamat Tita Cory..
August 4, 2009
Hindi ko sya kamag-anak, at hindi rin nya ako kilala personally, pero Tita Cory ang tawag ko sa kanya, gaya na rin ng pagtawag sa kanya ng nakararami. Nagpapasalamat ako sa kanya dahil hindi lamang nya binuksan sa publiko ang kanyang buhay, ibinahagi nya rin ito sa lahat ng mga pilipino. Nagsilbi syang isang inspirasyon sa karamihan na sa kabila ng pagdurusa isa lamang ang ating makakapitan, at yun si GOD. (more…)


