Thank you to those people who inspires me...who motivates me...who made me laugh, made me cry, made me realize the purpose of everything in life...Im Livin n' Lovin My Life...

Home » Archives » September 2009

Very Tragic Tragedy…

September 29, 2009



Ilang araw pa lamang ang nakakalipas matapos humagupit ang isang matinding unos na dulot ng bagyong Ondoy sa ating bansa. Araw ng sabado sa kasagsagan ng walang tigil na paghampas ng hangin at walang humpay na pagbuhos ng ulan. Maraming lugar sa ating bansa ang nakaranas ng matinding pagbaha. Nakakalulunos talaga ang sinapit ng ating mga kababayan. Ilan ang nawalan ng tahanan, nawalan ng negosyo, nawalan ng ari-arian at ang masakit pa dito yung mga nawalan ng mga mahal sa buhay.Sa ngayon madaming nasa evacuation center, madami pa ring hindi pa narerescue at nakastuck lang sa kani-kanilang mga bahay, maraming nagugutom at walang matulugan, marami pang mga taong hindi pa nahahanap at nawawala, at marami pang bangkay na hindi pa naaidentify. (more…)

Posted by starlight at 1:43 pm | permalink | Add comment

To Help or Not to Help…

September 15, 2009



Nalilito na ako sa kung anong dapat kong gawin…Kwento ko sa inyo ha, may isang araw kasi na sa aking paguwi galing trabaho habang nakasakay sa isang jeepney eh may sumakay na isang batang nakauniporme at mukhang galing ng eskwela. Nung nakaupo na sya ay bigla kong nabaling sa kanya ang aking atensyon. Bakit? (more…)

Posted by starlight at 1:52 pm | permalink | Add comment

Manong Jeepney Driver…

September 9, 2009



Parte na ng buhay natin ang makasalamuha ang mga manong jeepney driver na syang naghahatid sa atin papunta sa ating paroroonan. Maliban na lang kung ikaw ay isang anak mayaman na simula ng ipanganak ka eh di pa nakararanas na makasakay sa isang pampublikong sasakyan. Kung ikaw ay isang rich kid malamang eh hindi ka makarelate sa post kong ito, pero sige lang ituloy mo lang ang pagbabasa ng madagdagan ang iyong kaalaman tungkol sa ating friendly neighborhood na si Manong Jeepney Driver. Ilan lamang sa mga sumusunod ang aking obserbasyon sa tuwing sasakay ako sa isang pampublikong sasakyan, partikular na ang jeepney na para na rin nating pambansang sasakyang panglupa dito sa Pinas. (more…)

Posted by starlight at 4:45 pm | permalink | Add comment

Salamat po sa lahat

September 1, 2009



Nadagdagan na naman ng isang taon ang aking edad,hindi ko na irereveal yung totoo kong edad kasi hindi naman importante yun para sa akin. Ang edad ay numero lang, mas importante pa rin : (more…)

Posted by starlight at 1:12 pm | permalink | comments[1]