Thank you to those people who inspires me...who motivates me...who made me laugh, made me cry, made me realize the purpose of everything in life...Im Livin n' Lovin My Life...

Home » Post Item » Salamat po sa lahat

Salamat po sa lahat

September 1, 2009



Nadagdagan na naman ng isang taon ang aking edad,hindi ko na irereveal yung totoo kong edad kasi hindi naman importante yun para sa akin. Ang edad ay numero lang, mas importante pa rin :

>>  kung paano ka namumuhay dito sa mundong ito.
>>  kung paano ka nakitungo ng maganda sa ibang tao
>>  kung paano ka naging inspirasyon sa iba
>>  kung paano ka nakatulong sa mga nangangailangan
>>  kung paano ka natuto sa pagkakamali mo
>>  kung paano ka bumangon sa pagkakadapa mo
>>  kung paano ka nagbigay kasiyahan sa mga taong nalulungkot
>>  kung paano ka humingi ng tulong sa iba
>>  kung paano ka nakipagkaibigan
>>  kung paano ka bilang isang kaibigan
>>  kung paano ka sumabay sa agos ng buhay
>>  kung paano ka lumaban sa mga hamon ng buhay
>>  kung paano mo nalampasan ang mga pagsubok na pinagdaanan mo
>>  kung paano ka naging masaya
>>  kung paano ka nalungkot
>>  kung paano ka magtrabaho
>>  kung paano ka magpasalamat sa mga blessings na natatanggap mo
>>  kung paano ka nangarap sa buhay
>>  kung paano ka nagalit at naglabas ng sama ng loob
>>  kung paano ka bilang isang anak
>>  kung paano ka bilang isang kapatid
>>  kung paano ka bilang isang mabuting kristyano, anak ng Diyos

Dito masusukat kung ano ka bilang isang tao sa mga nabanggit ko at kung paano ka nagpakatao ng maayos. Hindi ako perpekto dahil wala naman talagang perpekto, hindi rin ako mabait, pero hindi rin naman ako salbahe (tingin ko tama lang) Sa mga nakakakilala sa akin, alam nyo na kung sino ako at ano ako bilang isang tao.

Thank you God for another year na pinagkaloob mo sa akin, sana ay madami pa akong matutunan sa buhay at maisabuhay ko ng maayos ang bawat matututunan ko.

Maraming salamat din sa lahat ng nakaalala at nagbigay kulay sa buhay ko. Mahal ko kayong lahat…

Posted by starlight at 1:12 pm | permalink

Previous Comments

Add a comment