Thank you to those people who inspires me...who motivates me...who made me laugh, made me cry, made me realize the purpose of everything in life...Im Livin n' Lovin My Life...

Home » Post Item » Very Tragic Tragedy…

Very Tragic Tragedy…

September 29, 2009



Ilang araw pa lamang ang nakakalipas matapos humagupit ang isang matinding unos na dulot ng bagyong Ondoy sa ating bansa. Araw ng sabado sa kasagsagan ng walang tigil na paghampas ng hangin at walang humpay na pagbuhos ng ulan. Maraming lugar sa ating bansa ang nakaranas ng matinding pagbaha. Nakakalulunos talaga ang sinapit ng ating mga kababayan. Ilan ang nawalan ng tahanan, nawalan ng negosyo, nawalan ng ari-arian at ang masakit pa dito yung mga nawalan ng mga mahal sa buhay.Sa ngayon madaming nasa evacuation center, madami pa ring hindi pa narerescue at nakastuck lang sa kani-kanilang mga bahay, maraming nagugutom at walang matulugan, marami pang mga taong hindi pa nahahanap at nawawala, at marami pang bangkay na hindi pa naaidentify. Nakikidalamhati ako sa mga taong naapektuhan at nasalanta ng bagyo. Sana ay wag tayong mawalan ng pag-asa. Alam kong mahirap makarecover sa ganitong situation pero kailangan nating maging matatag. Isa itong realization para sa akin, na importante ang buhay higit sa lahat. Na lahat tayo ay pantay-pantay, walang mayaman o mahirap, may katungkulan o ordinaryong nilalang. Sa mata ng Diyos tayo ay iisa. Sa mga ganitong kaganapan, madaming pagkakataon na ring napatunayan ng bawat isa sa atin ang pagkakaisa at pagtutulungan. May mangilan-ngilan ding nananamantala, pero nananaig pa rin ang kabutihan sa puso ng bawat isa. Dasal ko na sana maging ok ang lahat, na sana meron tayong natutunan sa pangyayaring ito, na sana wag tayong mawalan ng pag-asa, na sana manaig pa rin ang pakikipagkapwa tao natin, na sana mas pahalagahan natin ang buhay at sulitin natin ito kapiling ng ating mga mahal sa buhay, na sana matuto tayong mahalin at pangalagaan ang kalikasan. Maging mulat sana ang bawat isa na sana wag na nating hintayin pang mangyari pa ulit ang ganitong klaseng pangyayari para matauhan ang lahat. HIndi man natin mapipigilan ang kalamidad, pero may magagawa tayo para maiwasan ang malaking epekto na dulot nito sa ating kapaligiran. Lahat tayo ay may kanya-kanyang share, sana gawin natin ito kahit na sa maliit na pamamaraan natin. Ang maliit kapag pinagsama-sama natin ay magiging malaki rin. Kaya “Let’s do our own share”.

Posted by starlight at 1:43 pm | permalink

Add a comment