Excited..
October 22, 2009Excited, excited, excited…wala lang excited lang ako..I just wish, hope and pray na maging maganda ang panahon sa mga susunod pang araw.
Kwentuhan ko na lang kayo kung saan at bakit ako excited ha….until my next post.. God Bless
The Power of Love…
October 14, 2009
Ganun na lang ba kadali yun? Ang tanong ng iba, ang alin ang madali? Uso pa ba ang panliligaw ngayon? Or hindi na? Alin ba ang mas ok? Ang manligaw sayo at ipakita lamang ang mamagandang ugali sa stage ng panliligaw tapos magugulat ka na lang sa mga di kagandahang ugali nya pag naging kayo na? Or ang maging magkaibigan at makilala nyo ang isa’t isa at automatic eh kung feel nyo ang isa’t isa eh kayo na? Iba na talaga ang henerasyon ngayon, ibang iba na sa kung anong mga ginagawa noong sinauna’t panahon pa ng lolo at lola ko. Pero kahit ano pa mang pamamaraan yan eh nasa nagdadala pa rin yan ng relasyon at jan masusubukan ang power of LOVE and DESTINY. (more…)
Mabuhay ng 100 yrs old, posible ba?
October 7, 2009
Posible daw ayon sa aking nabasa. Ito po yung link nung nabasa ko http://health.yahoo.com/experts/drmao/19787/how-to-live-to-100/ , para sa mga gustong mamuhay ng hanggang 100 yrs old. Isa-isahin ko na rin ang mga tips from this site para maexpress ko rin kung anong opinion ko or translate ko na lang din hehe.. (more…)
(Blangko)….
October 5, 2009Blangko ang utak ko ngayon, wala akong maisip na magandang topic na pwedeng maipost sa blog na ito. Blangko rin ang isip ko habang ako’y nasa byahe gawa ng matinding pagkaantok. Blangko rin ang isip ko at tila parang nakalutang habang nakatitig sa kawalan. Hindi po ako nakadrugs, hindi po ako lasing at lalong hindi rin po ako adik. Marahil may hang over pa ako sa nagdaang kalamidad kaya feeling ko ay na wash away din ng baha yung mga ideas na pwede kong ibahagi sa inyo ngayon. Although di naman ako ganun kaapektado ng kalamidad matindi pa rin ang naging impact nito sa akin. Gaya nga ng nasabi ko sa previous post ko, maraming realization ang aking napagtanto, na mahalaga ang buhay.. Pag-ingatan natin ito at gawin natin ang tama at makabubuti hindi lamang sa pansariling kapakanan natin kundi para makatulong at maging inspirasyon sa ating kapwa. Salamat sa pagbisita, sana next tym may maisip na akong magandang topic na pwede kong maishare sa inyo. Have a nice day po sa lahat and God Bless…


