Thank you to those people who inspires me...who motivates me...who made me laugh, made me cry, made me realize the purpose of everything in life...Im Livin n' Lovin My Life...

Home » Post Item » Mabuhay ng 100 yrs old, posible ba?

Mabuhay ng 100 yrs old, posible ba?

October 7, 2009



Posible daw ayon sa aking nabasa. Ito po yung link nung nabasa ko http://health.yahoo.com/experts/drmao/19787/how-to-live-to-100/ , para sa mga gustong mamuhay ng hanggang 100 yrs old. Isa-isahin ko na rin ang mga tips from this site para maexpress ko rin kung anong opinion ko or translate ko na lang din hehe..

1. Drink more water - Uminom ng hanggang 8 basong tubig. Makakatulong ito sa pag linis at pag alis ng mga toxic natin sa katawan.

2. Eat like a centenarian - di ko alam ibig sabihin ng centenarian eh, pero ang intindi ko sa bansang china daw eh madalas ang kinakain nila eh mga fish at gulay, bihirang mapasama sa diet nila ang mga karne mula sa mga hayop.

3. Restore with regular rest - matulog ng 7 hanggang 8 na oras, yun bang mahimbing na tulog sa gabi. Ako nga kaya ko hanggang 12 oras eh, pero hindi advisable yung ganun katagal na tulog kasi nakakafreeze ng utak hehe…Paggising mo sakit ng ulo mo dahil sa sobrang tulog.

4. Take the stairs! - Wag kukunin ang hagdan, kundi maghagdan paakyat or pababa kung may hagdan, isa na rin itong paraan para makapag ehersisyo ka ng katawan.

5. Manage your stress. - Naku paano ba mamamanage ang stress? May na post na yata ako tungkol sa stress eh. Basta maigi daw na mag meditate para marelax ang isip at ang ating katawan. Isa talaga tong malaking factor ng pagkakasakit natin eh, kaya kung hindi kayang iwasan si stress..Gumawa na lang ng paraan para mabawasan ito, gaya nga ng mga nasabi kong simpleng pamamaraan. Isama mo na rin ang pag Inhale-Exhale…malaking bagay yun para ka ma relax..

6. Detoxify your surroundings. - Para sa akin naman, kung mas maaliwalas ang kapaligiran mo, malinis at fresh ang nalalanghap na hangin eh ok yun. kasi kapag magulo ang paligid mo, nagugulo na rin ang utak mo hehe..hindi magandang vibes ang nararamdaman kapag magulo ang paligid. Mas nakakadagdag lang ito ng stress sa ating katawan.

=========================================================================================================================

Nagsurvey nga pala ako sa mga malalapit kong kaibigan kung gusto ba nilang mabuhay ng hanggang 100 yrs old. Ilan lamang sa mga sumusunod ang nalikom kong mga sagot mula sa kanila..

person #1: “mahirap un, kung malakas ako pwede, pero kung aalagaan lang din wag nlang sana.
person#2: “suguro ndi na, baka bigyan ko pa sila ng problema. pasanin pa ko”
person#3: “huh?!”
person#4: “ayoko hehe,kahit mga 99 pwede na, syempre gusto ko nga forever eh, ganda kasi ng buhay.. pero ayoko tumanda “
person#5: “kasi kung yung mga taong ayaw mo eh magiging ganun din katagal mabuhay… mauna na lang ako “
person#6: “oo naman, to live with my family longer”
person#7: “puwede, basta buhay pa asawa at mga anak ko kung di na, ahah i’ll have to think about it again”
person#8: “nde, patay na lahat ng kakilala ko nun”
person#9: “yep, para makita ko pa yung mga apo ng apo ko”
person#10: “parang ayoko,kasi pphrapan ko lang mag alaga sakin ang mga kamag anak ko chaka wala na rin naman akong mggwa nun,  hndi na ko mkkpasyal,mkakapagenjoy masyado,  puro higa nalang, upo, depende kung masaya pa”
person#11: “hndi, kc bka hndi na me pretty nun and hirap na”
person#12: “ayaw ko naka set lang ako n mpatapos ko anak ko, makita ko silang mag asawa at the age of 25, pag me apo nko, hahatiin ko un naipon ko for them… pede ng mwala heheh, mahirap umabot ng 100yrs old kung mahina nko - aalagaan pa nila ako hehehe saka ako din mismo mahihirapan nun - pero kung healthy at that age, y not”
person#13: “given a choice, ayaw ko siguro, kasi, i think by that time, naserve ko na yung mission ko”

Iba’t ibang opinion galing sa iba’t ibang tao. Pero ayun nga di naman natin din alam kung hanggang kailan tayo mabubuhay. Basta live life to the fullest ika nga ng isa ko pang malapit na kaibigan. Mabuhay ka man ng matagal or hindi na, si Lord lang ang nakakaalam nun. So make the most out of it and enjoy life. Have a nice day to everyone…

Posted by starlight at 2:21 pm | permalink

Add a comment