Star ng Pasko
December 15, 2009It’s the season to be jolly, pralalalala lala la la..December na grabehhh ang bilis ng panahon. parang kailan lang ng pumasok ang 2009, tapos ngayon malapit na syang magtapos, at papalitan na ni 2010. Pero bago magpalit ng taon, namnamin natin ang papalapit na araw ng pasko, syempre birthday ni Bro kaya dapat magsaya at magdiwang. Alam ko may mga taong hindi magawang magsaya dahil sa mga masasakit, mahihirap, kahindik-hindik at nakaka traumang pinagdaanan nila. Pero sana bigyan pa rin natin ng puwang sa ating mga puso ang tunay na diwa ng kapaskuhan. Alam kong mahirap at syempre hindi mo rin naman magagawang pilitin silang magsaya dahil sa pagdadalamhati nila. Nakikiisa pa rin ako sa pagdarasal na sana maging maayos ang lahat. Lagi kong winiwish ang inner peace para sa lahat.
Kasi damay damay na yan eh, pag may inner peace ka, andun ang love at pagpapatawad. So kung may inner peace, makakamit natin ang world peace. May sense ba? Wala lang gusto ko lang na maramdaman pa rin ng bawat isa ang tunay na meaning ng christmas at sana sa kabila ng mga magaganda, malungkot, masakit, matamis, mapait, maasim na mga pangyayari sa ating buhay, andun pa rin yung faith natin kay God. Dahil sya talaga ang reason kung bakit nabubuhay tayo sa mundong ito. Si bro ang star ng pasko. Love one another, let’s make love and peace, not war.
==============
Star ng Pasko (Lyrics)
Kung kailan pinakamadilim
Ang mga tala ay mas nagniningning
Gaano man kakapal ang ulap
Sa likod nito ay may liwanag
Ang liwanag na ito
Nasa ‘ting lahat
Mas sinag ang bawat pusong bukas
Sa init ng mga yakap
Maghihilom ang lahat ng sugat
Ang nagsindi nitong ilaw
Walang iba kundi ikaw
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Tayo ang ilaw sa madilim na daan
Pagkakapit bisig ngayon higpitan
Dumaan man sa malakas na alon
Lahat tayo’s makakaahon
Ang liwanag na ito
Nasa ‘ting lahat
Mas sinag ang bawat pusong bukas
Sa init ng mga yakap
Maghihilom ang lahat ng sugat
Ang nagsindi nitong ilaw
Walang iba kundi ikaw
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Kikislap ang pag-asa
Kahit kanino man
Dahil ikaw Bro, dahil ikaw Bro
Dahil ikaw Bro
Ang star ng pasko
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Ang nagsindi nitong ilaw
Walang iba kundi ikaw
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Ang nagsindi nitong ilaw
Walang iba kundi ikaw
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Ang nagsindi nitong ilaw
Walang iba kundi ikaw
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Dahil ikaw Bro, dahil ikaw Bro
Dahil ikaw Bro
Ang star ng pasko!
==========
Love the song…heartwarming at very inspiring…
Merry Christmas Everyone


