Thank you to those people who inspires me...who motivates me...who made me laugh, made me cry, made me realize the purpose of everything in life...Im Livin n' Lovin My Life...

Home » Archives » September 2010

Steady lang..

September 14, 2010

Sa ngayon steady lang ako..sa kabila ng mga sakit na naramdaman ko ng mga nakaraang araw, heto medyo coping up na. Siguro nakapag isip isip na rin ako ng mga bagay bagay na makakatulong sa akin para ma divert into something positive ang kalungkutan ko. Masyado na bang emo tong blog na ito? Pasensya na po ah pero tanging ang blog na ito lang ang outlet ko para marelease ko kung anong mga nararamdaman ko sa buhay. Mabalik tayo sa steady lang..steady meaning walang movement,
walang motion, walang galaw galaw..steady.. pero ang boring pag steady ka lang nohh.. kaya lang ganun talaga. May punto talaga tayo sa buhay na steady lang tayo..as is..yun bang masaya na tayo sa mga nangyayari sa buhay natin sa araw araw kahit pare-pareho lang naman ito. Hindi lahat ng gusto mo pwede mong makuha…Kahit na ano pang gawin mo..kahit na maglupasay ka pa sa kinatatayuan mo..kung hindi ito para sayo wala kang magagawa…Of course nakakatulong ang prayers, kaya lang may mga bagay na hinihiling tayo pero hindi ibig sabihin ay maiibibigay itong lahat. May rason kung bakit hindi yun ibibigay.. May naalala tuloy akong song…

Nakakalito ang mundo…kung sinong mahal mo syang ayaw sayo…wag sanang masayang itong damdamin ko para sayo…
Old school pero maraming nakakarelate di ba?

Well nakakalito talaga ang mundo..pero eventually..habang lumilipas ang mga araw..marerealize mo kung bakit hindi sya
napunta sayo..Pwedeng:

>  may mahal na syang iba bago ka pa nya nakilala
>  may feelings pa rin sya para sa ex nya at umaasa pa syang magkakabalikan sila
>  di pa sya totally recovered sa past relationship nya
>  kaibigan lang ang turing nya sayo
>  parang kapatid ka lang para sa kanya na masasabihan ng mga problema nya sa buhay
>  worst parang parent lang ang tingin nya sayo dahil ulila na syang lubos
>  pwedeng nag aalinlangan syang iparamdam ang feelings nya sayo kasi magkaibigan kayo at ayaw
    nyang baka masayang at mauwi lang sa wala ang friendship nyo
>  pwede ring baka natatakot sya sayo kasi baka mabasted sya
>  maaaring malayo ang age gap nyo na pwedeng maging dahilan ng di nyo pagkakaunawaan
>  nag-aaral pa sya kaya di ikaw ang priority nya
>  maganda ang takbo ng career nya at hindi ikaw ang priority nya
>  ayaw ng parents nya sayo
>  strict ang parents nya
>  naipagkasundo na sya sa iba
>  mangingibang bansa na sya at di nya kaya ang long distance relationship
>  may nahanap na syang iba na mas mahal nya kesa sayo (ouch!!)
>  nakabuntis sya at kailangan nyang pananagutan (ouch ulit!!)
>  and the list goes on..and on..and on…madami pang rason kung bakit hindi pwedeng maging kayo.. in short..

YOU’RE NOT MEANT TO BE.. sorry ha all caps haha..hindi naman po halatang bitter ako nohh..pero marami talagang rason..
Kailangan lang talagang buksan ang mga mata at talasan ang pag-iisip natin para hindi tayo mabulagan at ma conquer ng nararamdaman natin.

This way magkakaroon tayo ng balance.. love and life balance.. Tama nga ang iba..hindi lang naman nakasentro sa lovelife ang buhay ng tao..pero kailangan natin ito para magkakulay ang ating mundo.. sounds cheesy pero totoo… para sa taong nagmamahal at minamahal..mapalad kayo kasi nakakaramdam kayo ng love…kung makulay ang lovelife nyo..cherish nyo yan..pahalagahan at alagaan…hindi lahat ng tao nabibigyan ng magandang relationship..so don’t waste it…

At para naman sa mga taong wala pang lovelife..wag mawalan ng pag-asa..darating din ang para sayo..Magtiwala ka lang..magiging masaya ka rin..Maaaring hindi pa ngayon..pero in the near future..pinagdarasal din yun kaya prayers kailangan yan…at the same time i-enjoy mo lang ang buhay mo..mapalad ka rin at wala kang sakit..buo ang pamilya mo..may marangal kang trabaho..madami kang loyal friends..nakakapag malling ka..nakakanuod ka ng sine..nakakapamasyal ka..nakakabili ka ng gusto mo..nakakapag computer ka..nababasa mo ang blog ko at madami pang iba na hindi rin nagagawa ng mangilan ngilan sa ating mga kababayan..Kaya wala ka man lovelife..busog ka pa rin ng kaswertihan sa buhay..kaya wag ng malungkot..pero di naman bawal malungkot tao ka lang eh…just believe in positivity..gaya ng lagi kong sinasabi… basta live life to the fullest..para no regrets :)

God bless..and may you have a nice day =D

Posted by starlight at 8:27 pm | permalink | Add comment