The Power of Love…
October 14, 2009
Ganun na lang ba kadali yun? Ang tanong ng iba, ang alin ang madali? Uso pa ba ang panliligaw ngayon? Or hindi na? Alin ba ang mas ok? Ang manligaw sayo at ipakita lamang ang mamagandang ugali sa stage ng panliligaw tapos magugulat ka na lang sa mga di kagandahang ugali nya pag naging kayo na? Or ang maging magkaibigan at makilala nyo ang isa’t isa at automatic eh kung feel nyo ang isa’t isa eh kayo na? Iba na talaga ang henerasyon ngayon, ibang iba na sa kung anong mga ginagawa noong sinauna’t panahon pa ng lolo at lola ko. Pero kahit ano pa mang pamamaraan yan eh nasa nagdadala pa rin yan ng relasyon at jan masusubukan ang power of LOVE and DESTINY. Marami na akong nakilalang mga taong nagligawan ng pagkatagal-tagal at naging mag syota ng pagkatagal-tagal din pero nauwi rin sa wala lahat ang matagal na pagsasama nilang iyon at hindi rin naging happy ang ending ng kanilang relationship. Meron din namang hindi naman ganun katagal pa magkakilala eh nagpakasal na pero hanggang ngayon eh matibay pa rin ang kanilang pagsasama. Kung tutuusin wala naman talaga sa haba ng panahon yan eh, kung kayo talaga LOVE will find a way para maging happy ending ang kahinatnan nyong dalawa. Just believe in the power of LOVE and syempre put GOD in the center of your relationship para maging masaya ang pagsasama nyo. Just keep the LOVE ALIVE…and one more thing, put extra effort also to make the relationship worth keeping.
=======
Yiheeeee!!!!Sobrang cheesy ba ng post ko ngayon? Wala lang na inspire lang kasi ako sa nakita kong mag-asawa matanda na tapos sweet na sweet pa rin sila sa isa’t isa. O di ba? Hindi ba ganun ka powerful ang love?


