Thank you to those people who inspires me...who motivates me...who made me laugh, made me cry, made me realize the purpose of everything in life...Im Livin n' Lovin My Life...

Home » Tags

Haysss…

August 28, 2010
Love..love..love..matters of the heart..heto ka na naman.. Hindi pa man nagiging masaya, malungkot na agad ang kapalit.. Ganun ba talaga yun? Madali para sa iba..pero bakit sa akin parang bar exam na kailangan mong ipasa? Mahirap mag expect ng isang bagay na tingin mo ay malabo pa sa sabaw ng pusit mo makukuha. Mahirap mag assume na sa kabila ng magandang ipinapakita, mali ang akala mong may iba na syang ipinaparamdam. Mahirap magpretend na ok ka, kahit deep inside sobrang nagdadalamhati ka sa isang bagay na sobrang ikinalulungkot mo. Mahirap maghanap ng solusyon kung sa sarili mo hindi mo makitang may makikita kang solusyon. OO alam kong sa lahat ng problema ay may kaakibat na solusyon… Yun nga lang minsan nakakatakot harapin, pero kailangang harapin. Dun mo lang makikita at mapapatunayang kaya mo. Kaya ko naman, sa tulong ng mga taong nagmamahal sa akin, ng mga taong nakapaligid sa akin. Sa taong nagiging dahilan kung bakit may ganito akong pakiramdam sa ngayon. In time magiging ok rin ang lahat, naniniwala pa rin ako sa positivity… Na magiging masaya din ang pakiramdam ko balang araw…
Posted by starlight at 11:49 am | permalink | Add comment

Very Tragic Tragedy…

September 29, 2009



Ilang araw pa lamang ang nakakalipas matapos humagupit ang isang matinding unos na dulot ng bagyong Ondoy sa ating bansa. Araw ng sabado sa kasagsagan ng walang tigil na paghampas ng hangin at walang humpay na pagbuhos ng ulan. Maraming lugar sa ating bansa ang nakaranas ng matinding pagbaha. Nakakalulunos talaga ang sinapit ng ating mga kababayan. Ilan ang nawalan ng tahanan, nawalan ng negosyo, nawalan ng ari-arian at ang masakit pa dito yung mga nawalan ng mga mahal sa buhay.Sa ngayon madaming nasa evacuation center, madami pa ring hindi pa narerescue at nakastuck lang sa kani-kanilang mga bahay, maraming nagugutom at walang matulugan, marami pang mga taong hindi pa nahahanap at nawawala, at marami pang bangkay na hindi pa naaidentify. (more…)

Posted by starlight at 1:43 pm | permalink | Add comment

Goodbye and Thank you for the Friendship..

August 22, 2009

You will always be remembered my very good friend, my ever kulit and thoughtful kuya, my very helpful officemate and a very nice person to everybody.

Thank you for everything and thank you for being a friend, thank you for all the encouragement, thank you for the shoulder when i need someone to lean on, thank you for the jokes and the laughs, thank you for being a kuya.

We love you…and surely we will miss you…May you rest in peace…

Posted by starlight at 10:34 pm | permalink | Add comment

No Choice? It’s your choice…

August 6, 2009



Guilty ako dito sa situation na ganito. Actually lagi ko ngang sinasabi kapag nagigipit ako sa isang situation na hindi ko gusto eh “No Choice Eh”. Eh pwede ba namang no choice? Di ba in every situation dapat laging may pagpipilian? Either kung ang setup ay hindi pwede sa option A dapat meron laging option B or option C or D. Isa lang ako sa napakaraming tao na duwag na makipagsapalaran, kung baga laging on the safe side. Yun bang hindi mo kayang panindigan ang mga bagay na gusto mo. (more…)

Posted by starlight at 11:34 am | permalink | Add comment

Reunion…(naexperience mo na ba?)

July 31, 2009

Exciting kapag may reunion..Reunion sa school, mga alumni, reunion ng barkada, family reunion, reunion ng mga fans club at kung anik-anik pang mga pagtitipon kung saan magkakasama at magkikita kayo ulit ng mga kakilala mong pagkatagal-tagal ng nawalay sayo. Actually ako naexperience ko ng pumunta ng mga reunion, barkada reunion at family reunion. Ang hindi ko pa naeexerience eh ang magpunta sa mga alumni at school reunions at yung reunion ng fans club kasi wala naman akong fans club (hehehe). (more…)

Posted by starlight at 10:42 am | permalink | Add comment

A Painful Discovery…

July 17, 2009

Haysss, di ko alam kung anong mararamdaman ko.. May natuklasan akong isang bagay na napakasakit para sa akin. Hindi ko matanggap ang natuklasan ko. Pero anong gagawin ko? Natatakot ako sa mga pwede kong gawin at pwedeng gawin sa akin ng discovery ko na iyon. Sa ngayon para akong nakalutang sa kawalan, at nagninilay nilay kung bakit sumapit sa ganun ang discovery ko na iyon. Ano ang naging pagkakamali at kasalanang nagawa para sapitin ang ganung pangyayari? Saan at sino ang may pagkukulang? Bakit? Paano?  At Kailan pa? Ito ang mga tanong na bumabagabag sa akin sa ngayon. HIndi ko mapigilang lumuha at magdamdam dahil sa tingin ko hindi ko deserving ang ganung klase sa natuklasan ko. Maaring wala pang kumpirmasyon sa discovery ko na iyon pero malakas ang kutob ko, at natatakot ako sa kutob ko na iyon. HIndi ko alam talaga kung anong gagawin ko. Sana lang hindi ko na natuklasan ang napakasakit na discovery na yun, pero baka may dahilan kung bakit sa isang iglap ay bumulaga sa akin ang napakasakit na discovery na iyon. Saan ako magsisimula? Paano ko lulutasin ito? Hanggang kailan ako magtatanong? Kailan ko mahahanap ang kasagutan? Kaya ko ba ? O Makakaya ko kaya ito? Sino ang tutulong sa akin? Kanino ako hihingi ng tulong? Napakaraming tanong na naghahanap ng kasagutan. Sana lang makaya ko ang unos na ito. Sana..Lord tulungan mo ako, alam kong hindi ko ito kaya ng mag-isa. Salamat at lagi kang anjan, hindi mo ako iniiwan sa ere at alam kong hindi mo ako iiwan lalo na ngayon…
Salamat din sa blog na ito, kahit papano nailalabas ko lahat ng hinaing at problema ko…Sa mga mambabasa ko…salamat din sa pang-unawa…pasensya na kung medyo mabigat ang post ko ngayon. Sadyang dumarating lang talaga na ang lahat ng tao ay humaharap sa iba’t ibang klase ng problema. Ipagdasal nyo na lang na sana ay malampasan ko ito. Salamat…

Posted by starlight at 9:04 am | permalink | Add comment

I’m all alone…

August 2, 2008

 

Sadyang napakahirap na mag-isa, isipin mo, kapag mag-isa ka malungkot ang buhay, walang makausap, walang mapaghingahan ng problema, walang makasama sa pagmamalling at panunuod ng sine, walang katawanan, walang kaiyakan, walang karamay sa lungkot at saya… Maisip mo pa lang malungkot na di ba? Yun pa kayang maranasan mo?

Marami ang nakararanas nito sa kasalukuyan. Tulad ko na nag-iisa ngayon literally sa opisina at nagtatrabaho, nagihintay ng mga gagawin. Ang tangi ko lang kasama ay ang computer ko, buti na lang at may music, kung wala naku malamang di na ako nakatagal. Pero panandalian lamang itong aking pag-iisa dahil mamaya ay uuwi na ako.. :)

Sa mga ibang taong nakakaranas ng buhay mag-isa i just wish na maging masaya kayo sa mga decisions nyo sa buhay, kung pinili nyong mag-isa or wala kayong choise, sana maging happy kayo, kasi no man is an island naman eh. Kung sa tingin mo eh nag-iisa ka, mali ka hindi ka nag-iisa, lahat tayo ay may kasama, hindi nga lang natin nakikita pero mararamdaman natin ang presence nya lagi.  Sino tinutukoy ko? Syempre si God, he’s everywhere kaya kung feel mong nag-iisa ka, hindi rin, kasi anjan lang sya lagi sa tabi mo.

I know HE’’s with me all the time…and HE’s with you too all the time. God Bless…

 

Posted by starlight at 4:09 pm | permalink | Add comment