Thank you to those people who inspires me...who motivates me...who made me laugh, made me cry, made me realize the purpose of everything in life...Im Livin n' Lovin My Life...

Home » Tags

Very Tragic Tragedy…

September 29, 2009



Ilang araw pa lamang ang nakakalipas matapos humagupit ang isang matinding unos na dulot ng bagyong Ondoy sa ating bansa. Araw ng sabado sa kasagsagan ng walang tigil na paghampas ng hangin at walang humpay na pagbuhos ng ulan. Maraming lugar sa ating bansa ang nakaranas ng matinding pagbaha. Nakakalulunos talaga ang sinapit ng ating mga kababayan. Ilan ang nawalan ng tahanan, nawalan ng negosyo, nawalan ng ari-arian at ang masakit pa dito yung mga nawalan ng mga mahal sa buhay.Sa ngayon madaming nasa evacuation center, madami pa ring hindi pa narerescue at nakastuck lang sa kani-kanilang mga bahay, maraming nagugutom at walang matulugan, marami pang mga taong hindi pa nahahanap at nawawala, at marami pang bangkay na hindi pa naaidentify. (more…)

Posted by starlight at 1:43 pm | permalink | Add comment

Memory Gap…

June 23, 2009

Bawal ang pork, bawal ang beans, bawal ang ganito, ganyan at ganun!!!…anu ba yan ang dami namang bawal. Pero di ba nga kung anong bawal daw eh masarap at nakakaenjoy gawin? Gaya na lang sa pagkain. Ang sarap ng ice cream, chips, chicharon, balot, balat ng manok, chocolate, taba ng baboy sa sinigang….pero bawal ito sa mga taong may altapresyon  at sakit sa puso. Pero karamihan pa rin sa mga taong may ganitong karamdaman eh walang pakundangan pa rin sa pagkain ng mga pagkaing ipinagbabawal na sa kanila. Katwiran nila? Minsan lang tayong mabubuhay kaya dapat sulitin na bago pagsisihan ang lahat. Well may punto naman sila dun..bakit mo nga naman idedeprive ang sarili mo sa masasarap na pagkaing ito eh masarap sila at gusto mo silang kainin. Pero syempre kailangang mag-ingat, ok lang kung bata ka pa at malakas pa ang pangangatawan mo na kaya pang tunawin ang makakapal na taba sa mga kinakain mong pagkain. Pero kung ika’y may edad na at may dinaramdam aba kailangang maawat ka na sa kahibangan mong yan, kailangan mo ring isipin na maghinay-hinay sa mga bagay na bawal sayo. Panandaliang sarap pero habangbuhay na hirap naman ang idudulot nito hindi lang sayo kundi pati na rin sa mga taong nakapaligid sayo.

Mag-ingat ito lang ang aking paalala, sa panahon ngayon bawal ang magkasakit, hindi naman bawal ang mag-enjoy eh pero kailangan sa bawat pag-eenjoy natin eh isipin natin ang mga bagay na idudulot nito sayo after di ba?

 

Posted by starlight at 9:10 am | permalink | Add comment

Not feeling well :(

July 12, 2008

As of this moment hindi maganda ang pakiramdam ko.. In english “Im not feeling well today”. Ewan ko ba, dala na siguro ng stress. Stress sa iba’t ibang bagay.. Stress sa work, sa bahay, sa lovelife (lovelife daw ohh… reason din ba yun?). Anyways pahinga lang ang katapat nito…konting control sa mga medyo nakakastress na mga bagay at gawain..Control na sa paglalaro hehehe…hilig ko kasi ito eh, akala ko stress reliever sya di rin pala, mas lalo akong nastress kasi nga tutok ako masyado sa pagpatay…(pagpatay ng mga mobs/monsters sa game) hehehe…

Live a balance life gaya na nga ng nasabi ko sa previous posts ko. Eat healthy and right, exercise, get enough sleep, relax and enjoy lang para maiwasan ang status na “Not feeling well” sa YM.

 So paano ingat… :D

Posted by starlight at 3:13 pm | permalink | comments[1]