Star ng Pasko
December 15, 2009It’s the season to be jolly, pralalalala lala la la..December na grabehhh ang bilis ng panahon. parang kailan lang ng pumasok ang 2009, tapos ngayon malapit na syang magtapos, at papalitan na ni 2010. Pero bago magpalit ng taon, namnamin natin ang papalapit na araw ng pasko, syempre birthday ni Bro kaya dapat magsaya at magdiwang. Alam ko may mga taong hindi magawang magsaya dahil sa mga masasakit, mahihirap, kahindik-hindik at nakaka traumang pinagdaanan nila. Pero sana bigyan pa rin natin ng puwang sa ating mga puso ang tunay na diwa ng kapaskuhan. Alam kong mahirap at syempre hindi mo rin naman magagawang pilitin silang magsaya dahil sa pagdadalamhati nila. Nakikiisa pa rin ako sa pagdarasal na sana maging maayos ang lahat. Lagi kong winiwish ang inner peace para sa lahat.
Kasi damay damay na yan eh, pag may inner peace ka, andun ang love at pagpapatawad. So kung may inner peace, makakamit natin ang world peace. May sense ba? Wala lang gusto ko lang na maramdaman pa rin ng bawat isa ang tunay na meaning ng christmas at sana sa kabila ng mga magaganda, malungkot, masakit, matamis, mapait, maasim na mga pangyayari sa ating buhay, andun pa rin yung faith natin kay God. Dahil sya talaga ang reason kung bakit nabubuhay tayo sa mundong ito. Si bro ang star ng pasko. Love one another, let’s make love and peace, not war.
==============
Star ng Pasko (Lyrics)
Kung kailan pinakamadilim
Ang mga tala ay mas nagniningning
Gaano man kakapal ang ulap
Sa likod nito ay may liwanag
Ang liwanag na ito
Nasa ‘ting lahat
Mas sinag ang bawat pusong bukas
Sa init ng mga yakap
Maghihilom ang lahat ng sugat
Ang nagsindi nitong ilaw
Walang iba kundi ikaw
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Tayo ang ilaw sa madilim na daan
Pagkakapit bisig ngayon higpitan
Dumaan man sa malakas na alon
Lahat tayo’s makakaahon
Ang liwanag na ito
Nasa ‘ting lahat
Mas sinag ang bawat pusong bukas
Sa init ng mga yakap
Maghihilom ang lahat ng sugat
Ang nagsindi nitong ilaw
Walang iba kundi ikaw
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Kikislap ang pag-asa
Kahit kanino man
Dahil ikaw Bro, dahil ikaw Bro
Dahil ikaw Bro
Ang star ng pasko
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Ang nagsindi nitong ilaw
Walang iba kundi ikaw
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Ang nagsindi nitong ilaw
Walang iba kundi ikaw
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Ang nagsindi nitong ilaw
Walang iba kundi ikaw
Salamat sa liwanag mo
Muling magkakakulay ang pasko
Dahil ikaw Bro, dahil ikaw Bro
Dahil ikaw Bro
Ang star ng pasko!
==========
Love the song…heartwarming at very inspiring…
Merry Christmas Everyone
My Precious Gift.. (As reuested by Shiela)
November 20, 2009My Precious Gift..
What a joyous moment..
What a precious gift..
Heaven Scent from up above..
You complete my life i say out loud..
I’ll be there to protect you..
Nobody can even harm you..
I’ll take care of you..
This i’ll promise you..
As time passes by..
I will never get tired..
Even if i grow old..
My love for you will never be cold..
===========
Hi Shiela, this poem is for you…sorry ha super late ng reply ko..pero sana magustuhan mo para sa son mo..Thank you ulit sa pag bisita..natutuwa ako at kahit papano nakakainspire ako ng ibang tao thru my poem..Thank you very much and God Bless..
The Power of Love…
October 14, 2009
Ganun na lang ba kadali yun? Ang tanong ng iba, ang alin ang madali? Uso pa ba ang panliligaw ngayon? Or hindi na? Alin ba ang mas ok? Ang manligaw sayo at ipakita lamang ang mamagandang ugali sa stage ng panliligaw tapos magugulat ka na lang sa mga di kagandahang ugali nya pag naging kayo na? Or ang maging magkaibigan at makilala nyo ang isa’t isa at automatic eh kung feel nyo ang isa’t isa eh kayo na? Iba na talaga ang henerasyon ngayon, ibang iba na sa kung anong mga ginagawa noong sinauna’t panahon pa ng lolo at lola ko. Pero kahit ano pa mang pamamaraan yan eh nasa nagdadala pa rin yan ng relasyon at jan masusubukan ang power of LOVE and DESTINY. (more…)
sadness beneath the smile…
August 17, 2009
Be true to yourself… mahirap magpretend that everything’s ok if it’s really not. Para bagang isa kang payaso or komedyante na nagkukubli sa isang maskarang nakangiti pero sa likod ng maskarang ito ay tila isang nilalang na dumaranas ng lungkot at pighati (lalim ba?) (more…)
Reunion…(naexperience mo na ba?)
July 31, 2009Exciting kapag may reunion..Reunion sa school, mga alumni, reunion ng barkada, family reunion, reunion ng mga fans club at kung anik-anik pang mga pagtitipon kung saan magkakasama at magkikita kayo ulit ng mga kakilala mong pagkatagal-tagal ng nawalay sayo. Actually ako naexperience ko ng pumunta ng mga reunion, barkada reunion at family reunion. Ang hindi ko pa naeexerience eh ang magpunta sa mga alumni at school reunions at yung reunion ng fans club kasi wala naman akong fans club (hehehe). (more…)
Note to God…
June 4, 2009A Note To God
If I wrote a note to God
I would speak what’s in my soul
I’d ask for all the hate to be swept away
For love to overflow
If I wrote a note to God
I’d pour my heart out on each page
I’d ask for war to end
and for peace to mend this world
I’d say
I’d say
I’d say
Give us the strength to make it through
Help us find love, cause love is overdue
And it seems like so much is going wrong
On this road we’re on
If I wrote a note to God
I’d say please help us find a way
End all the bitterness, put some tenderness
in our hearts
I’d say
I’d say
I’d say
Give us the strength to make it through
Help us find love, cause love is overdue
And it looks like we haven’t got a clue
Need some help from you
Grant us the faith to carry on
Give us hope when it seems all hope is gone
Cause it seems like so much is going wrong
On this road we’re on
No
No
We can’t do it on our own
So
So
(Give us the strength to make it through
Help us find love, cause love is overdue)
And it looks like we haven’t got a clue
Need some help
Grant us the faith to carry on
Give us hope when it seems all hope is gone
Cause it seems like so much is going wrong
On this road we’re on
No
No
(No)We can’t do it on our own
(So)
So
If I wrote a note to God
==================================
I really love this song, well aside from the fact that this is a song from Charice (one of my fave singer in her generation today), this song really inspires me in my everyday life. It only means that whenever, wherever i can always talk to HIM and ask for guidance. And say Thank You for all the Blessings that He has given me.
That in God everything is possible, if we just BELIEVE.
Have a Blessed day to all of you…
I’m all alone…
August 2, 2008Sadyang napakahirap na mag-isa, isipin mo, kapag mag-isa ka malungkot ang buhay, walang makausap, walang mapaghingahan ng problema, walang makasama sa pagmamalling at panunuod ng sine, walang katawanan, walang kaiyakan, walang karamay sa lungkot at saya… Maisip mo pa lang malungkot na di ba? Yun pa kayang maranasan mo?
Marami ang nakararanas nito sa kasalukuyan. Tulad ko na nag-iisa ngayon literally sa opisina at nagtatrabaho, nagihintay ng mga gagawin. Ang tangi ko lang kasama ay ang computer ko, buti na lang at may music, kung wala naku malamang di na ako nakatagal. Pero panandalian lamang itong aking pag-iisa dahil mamaya ay uuwi na ako..
Sa mga ibang taong nakakaranas ng buhay mag-isa i just wish na maging masaya kayo sa mga decisions nyo sa buhay, kung pinili nyong mag-isa or wala kayong choise, sana maging happy kayo, kasi no man is an island naman eh. Kung sa tingin mo eh nag-iisa ka, mali ka hindi ka nag-iisa, lahat tayo ay may kasama, hindi nga lang natin nakikita pero mararamdaman natin ang presence nya lagi. Sino tinutukoy ko? Syempre si God, he’s everywhere kaya kung feel mong nag-iisa ka, hindi rin, kasi anjan lang sya lagi sa tabi mo.
I know HE’’s with me all the time…and HE’s with you too all the time. God Bless…
Reward…
July 9, 2008Masarap sa pakiramdam kung makatanggap ka ng reward. Reward dahil mataas ang grades mo sa school, reward dahil magaling kang kumanta, reward dahil marami kang na accomplish sa work, reward dahil nakagawa ka ng mabuti sa ibang tao. Well ok na rin yung reward na mga material na bagay, pero the feeling itself na makagawa ka ng mabuti at makatulong sa iba, rewarding na di ba? Mag excel ka sa mga ginagawa mo at tulong ka sa kapwa mo ng hindi naghahangad ng reward, mas masarap sa pakiramdam yung mismong galing sa sarili mo at nasa puso mo ang ginagawa mo. Bonus na lang kung may matanggap kang reward.
Just a friendly reminder para sa ating lahat. God Bless Us All…



