Krung-krung…(Korean trip lang)
July 23, 2009Nakakatuwa naman, hindi ako fan ng mga Koreans pero natutuwa ako at mukhang nag sisimula na talaga akong maging fan nila. Una i love their korean novelas, ngayon naman mas naaappreciate ko yung mga songs nila. Kahit na di ko maunawaan kung ano ang sinasabi nila sa mga songs nila eh nagagandahan ako sa melody at rythm ng mga ito. Tungkol sa mga Koreanovelas madami na akong napanuod at nahumaling ako hindi lang sa mga artista at characters na involve dito kundi pati sa story, merong mga romantic comedy, drama, heavy drama, love story at kung anik anik pa na huli rin at tugma sa panlasa ng ibang mga pinoy gaya ko… (more…)
Artista Fan ka ba?
July 20, 2009
Artista fanatic ka ba? Kung taglay mo ang mga sumusunod na katangian eh malamang nga na isa kang Die-Hard, Ultimate, Solid, Fantastic, Original, Everlasting, Adik fan ng isang artista. (more…)
Paalam Pareng Jacko…
June 26, 2009Michael Jackson confirmed dead…at 2:26 pm (June 25, 2009) at a hospital in Los Angeles after reportedly suffering a cardiac arrest.
Nakakalungkot naman na kahit hindi kami close ni Pareng Jacko eh im sure isa sya talagang malaking kawalan sa Music Industry. Ako nga eh nalulungkot rin sa maagang pagkawala nya dito sa mundong ibabaw, lalo na siguro yung mga avid fans nya na simula nung bata pa sya eh talagang nakasuporta na sa kanya. Para sa akin isa talaga sya sa masasabing Legend na pagdating sa Showbiz/Music Industry, napakaraming kanta nya ang super naging patok hindi lang sa Tate kundi sa buong mundo. Napakarami rin nyang kanta na very inspiring at tungkol rin sa ating environment. Mamimiss ko sya, kahit na hindi na sya ganun ka visible sa TV eh, iba pa rin yung alam mong buhay pa sya. Kahit na kinuha na sya ni Lord, hindi pa rin matatawaran ang naging kontribusyon nya sa bawat umiidolo sa kanya sa pamamagitan ng kanyang mga awitin, ang mga iniwan nyang alala ay hindi makakalimutan ng mga taong nagmamahal sa kanya.
Paalam Pareng Jacko, ikaw lang ang nag-iisang KING OF POP!!!
Nakikiramay ako sa pamilya, kaibigan, fans, at napakaraming supporters worldwide ni Pareng Jacko. May he rest in peace.


