Thank you to those people who inspires me...who motivates me...who made me laugh, made me cry, made me realize the purpose of everything in life...Im Livin n' Lovin My Life...

Home » Tags

Very Tragic Tragedy…

September 29, 2009



Ilang araw pa lamang ang nakakalipas matapos humagupit ang isang matinding unos na dulot ng bagyong Ondoy sa ating bansa. Araw ng sabado sa kasagsagan ng walang tigil na paghampas ng hangin at walang humpay na pagbuhos ng ulan. Maraming lugar sa ating bansa ang nakaranas ng matinding pagbaha. Nakakalulunos talaga ang sinapit ng ating mga kababayan. Ilan ang nawalan ng tahanan, nawalan ng negosyo, nawalan ng ari-arian at ang masakit pa dito yung mga nawalan ng mga mahal sa buhay.Sa ngayon madaming nasa evacuation center, madami pa ring hindi pa narerescue at nakastuck lang sa kani-kanilang mga bahay, maraming nagugutom at walang matulugan, marami pang mga taong hindi pa nahahanap at nawawala, at marami pang bangkay na hindi pa naaidentify. (more…)

Posted by starlight at 1:43 pm | permalink | Add comment

Love Mother Nature..

July 7, 2009

Pag-ibig kay Inang Kalikasan..Isang magandang halimbawa nito ay ang pagtatapon ng basura. Kung anong itinapon mo ay sya ring babalik sayo. Hindi pa huli ang lahat para ma save natin si Inang Kalikasan. Ang kailangan lamang ay ang mga sumusunod:

1) Disiplina - Disiplina sa ating mga sarili, kung meron tayo nito eh hindi malayong maging maunlad ang ating bansa, simpleng pagtapon lamang ng basura sa tamang lugar ay isang napakalaking tulong na kay Inang Kalikasan.

2) Determinasyon - Determinasyong gumawa ng mga bagay na makakatulong kay Inang Kalikasan, ang pagrerecycle ng mga basura/bagay na pwede pang mapakinabangan. Marami ng organisasyong gumagawa nito na kung saan ang kanilang mga produkto ay di lamang tinatangkilik sa pilipinas kundi pati na rin sa ibang bansa.

3) Concern - Concern hindi lang kay Inang Kalikasan, kundi concern din sa mga susunod na henerasyon na mamumuhay sa mundong ginagalawan natin ngayon. Ang maipakita sa mga  susunod na henerasyon ang ganda ni Inang Kalikasan, pati na rin ang iba’t ibang klase ng  hayop na meron tayo ngayon. Dahil baka kung hindi tayo magiging concern eh malamang mga Aso at Pusa na lang ang makilala nilang mga hayop sa Pinas.

4) Takot - Kailangang may takot tayo na maramdaman ang pagkasira ni Inang Kalikasan. Katakot naman talaga kapag nasira sya eh, makakalbo na ang mga bundok na pagkaganda-ganda kapag ito’y punong puno ng mga puno na nakakatulong para maiwasan ang landslide at pagbaha, pagdumi ng hanging ating nilalanghap sa araw-araw, ang pagdumi ng tubig sa karagatan kung saan namumuhay ang mga Isda at iba pang yamang dagat na ating kinabubuhay, ang pagkaubos ng mga hayop sa kagubatan, ang pagkawasak ng mundo dahil sa kawalan ng pagmamahal kay Inang Kalikasan.

5) Faith - Kailangan natin ng faith, faith para maging positive tayong lahat…KAYA NATIN TO..Basta’t sama-sama tayong lahat na nagtataglay ng mga kaugaliang nabanggit ko na makakatulong kay Inang Kalikasan.

6) LOVE - Syempre LOVE ,kung wala ito, hindi natin magagawa ang ating tungkulin bilang isang tao na namumuhay sa mundong ito.

Maging responsable, mapagmatyag, mapangahas at nawa’y lahat tayo ay maging isang Matanglawin. =D

Posted by starlight at 9:05 am | permalink | Add comment