Thank you to those people who inspires me...who motivates me...who made me laugh, made me cry, made me realize the purpose of everything in life...Im Livin n' Lovin My Life...

Home » Page 6

FX Ride…

June 27, 2008

Habang pauwi ako ng bahay galing ng work, nakadungaw ako sa labas ng FX. Ang mga katabi ko parang mga pagod na pagod, siguro stressed din sila sa work nila kaya ganun na lang ang pagkaantok. Ako rin medyo antok pero di ko ugaling matulog sa byahe kasi nakakatakot at nakakahilo lang, di ako sanay eh. Ayun nga sa kasagsagan ng aking pagbyahe, may nakita akong maglola sa daan, medyo na touch ako kasi yung apo nya akay akay ang kanyang lola sa pagtawid, malapit sila salikod ng FX kaya nakita ko yung mga hitsura nila. Si lola bulag..na touch ako sa apo kasi sobrang alalay nya sa lola nya. Medyo nakaramdam ako ng pagkalungkot at may kurot din sa puso ko kasi nahabag ako sa kalagayan nila. Minsan nakakaguilty rin dahil minsan nakakaligtaan nating magpasalamat so kung anong meron tayo sa buhay, may marangal na trabaho, may maayos at mapagmahal na pamilya, gayun din ang mga kaibigang laging nakaalalay sayo. Hindi lang sa mga materyal na bagay tayo dapat magpasalamat kundi sa mga mabubuting nangyayari sa ating buhay na hindi matatapatan ng kahit na anong bagay o pera.

Madami talagang masasaksihan habang nasa byahe ka, ika nga sa kanta eh iba’t ibang eksena sa jeepney (pwede ring FX, Taxi at BUS) ang iyong makikita, may action, comedy at drama. So habang nakadungaw ka sa bintana ng sasakyan, para kang may malaking TV, at sa TV na yun marami kang matututunan sa reyalidad ng buhay. Nasa atin na yun kung paano tayo matututo sa mga nasasaksihan natin sa araw-araw nating pagbyahe.

So paano, ingat and enjoy the ride…

 

Posted by starlight at 9:33 pm | permalink | Add comment

Focus…

June 26, 2008

Focus…kailangan natin ito sa pang araw araw na buhay natin…Focus hindi lang sa isang bagay, kundi sa mga tao at mga kaganapan sa ating buhay. Kung wala tayong focus, yung mga bagay na naumpisahan natin eh malamang matengga lang at hindi matapos..Bakit? kasi nga walang focus, kung baga hindi nakatuon ang atensyon mo sa iisang bagay lang. Marami kang naiisp na hindi mo namamalayan eh nawala na yung  interes mo sa naumpisahan mong gawin.

Ningas kugon ba ang tawag dun? Mañana habit tama? Hindi naman maalis sa atin ang ganyang gawi, kahit ako ganyan din paminsan, minsan ha, hindi madalas. Mahirap din kasi yung makagawian mo yung ganyang habit eh, hindi maganda di ba?

Next time keep your focus, isa ring factor yan para umunlad ka… Focus…focus…focus…

Cheers :)

Posted by starlight at 7:25 pm | permalink | Add comment

First Day High…

June 18, 2008

Adjustment….Period

Currently ay nasa adjustment period pa ako. Imagine.. new building..new environment…new people…new system…new route sa pagpasok sa trabaho.Nakakapanibago talaga as in, pero hindi naman ito ang unang pagkakataon na naexperience ko ito kaya medyo carry na rin. Yun bang tipong makikiramdam ka sa mga taong bagong makakasama mo, dahil huhulihin mo pa ang mga ugali nila. May mailap, may nakangiti lang na hindi mo alam kung anong iniisip or naiisip tungkol sayo, may tahimik lang sa isang tabi na ewan kung talagang busy or nagpapakabusy lang, merong approachable at alam mong sincere kausap. Well kailangang masanay na ako sa ganitong environment, dahil matagal tagal rin ang gugugulin kong panahon rito sa lugar na ito, kasama ang mga nabanggit kong iba’t ibang klaseng tao.

First Day High….ano nga ba ang feeling kapag first day mo sa trabaho? Tulad din ito ng first day sa school nung nag-aaral pa tayo, ang pagkakaiba lang eh nung nag-aaral tayo eh tayo yung binibigyan ng pera pang baon, sa trabaho baligtad na kasi tayo na yung kumikita.

How does it feel??
1) Syempre anjan na yung kaba or tension na tinatawag. Ramdam ko ito ng konti kasi nga di ba hindi mo alam kung anong naghihintay sayo na mga panibagong challenges sa pakikisama pa lang eh challenge na di ba? or sa work kasi syempre bagong sistema na naman bagong aaralin.
2) Pagkainip/bored or pagkaantok. Syempre sa unang araw orientation lang yan. Kwento dito, kwento doon, pakilala dito pakilala doon. Then after nun iiwanan ka na sa area mo at bahala ka na mag-isa,maliban na lang syempre kung may mga new friends ka na sa unang araw mo pa lang.
3) Lungkot/Sadness. Syempre nakakasad kasi namimiss mo yung mga nakaugalian mo ng gawin at yung mga kasa-kasama mo lagi lalo na sa mga kulitan at tawanan kapag breakfast, lunch break, coffee break, meryenda break, yosi break at kung anu-ano pang break na meron kayo noon.Minsan nga kahit hindi break masaya eh di ba?
4) Excitement. Syempre excited ka sa bago mong work, may mga bagong kaalaman ka na naman na matututunan na pampadagdag sa nakasulat sa resume mo.
5) Atatment or pagiging atat (sorry di ko alam yun sa english eh hehe)… Kapag first day syempre orientation nga lang di ba? So wala ka pang masyadong load or assignment nun. So ang nangyayari eh tingin ka ng tingin sa oras at atat na atat ka ng mag uwian. Kapag wala ka pa naman masyadong ginagawa eh ang tagal ng oras di ba? Medyo related na rin sa excitement ito…lalo na kung malapit ka lang sa mall hehehe…exciting di ba? Yun nga lang magastos…
6) Kawawa effect. Madalas itong nangyayari ah, kawawa ka kasi mag isa ka lang, at wala ka pang ka close, so ang siste eh mag-isa kang kakain, mapapanis ang laway mo kasi wala kang makausap, sasakit ang mata mo kasi laging yung monitor lang ang natititigan mo, masakit sa balakang kasi di ka gumagalaw sa kinauupuan mo (maliban na lang kung ang punta mo ay CR), at masakit sa ulo kasi mahirap magpanggap na busy ka dahil wala ka pa ngang masyadong ginagawa. Swerte ka kapag friendly ka at friendly yung mga bagong kasamahan mo. Atleast may chika/kaututang-dila ka kahit papano.

Nafeel mo na rin ba yung ganito nung first day mo sa work?

Well all i can say again is GOODLUCK…to me at goodluck sa mga taong nakakaranas ng ganitong pagka HIGH.

Posted by starlight at 8:27 pm | permalink | Add comment

Ikaw ba’y nalulungkot?

June 16, 2008

Ikaw ba’y nalulungkot?

Well, kaya ganyan ang title ng post ko ngayon eh medyo nakakaramdam ako ng bahagyang pagkalungkot. Bakit? Dahil, pansamantalang mawawalay muna ako sa mga kaibigan at kasamahan ko sa trabaho. Pero ok lang naman may chat pa naman eh so keep in touch pa rin naman kahit papano.

Sana lang eh mababait rin ang magiging bago kong makakasama sa hanapbuhay. Sana hindi supladito’t supladita. Sana masasayang kasama at hindi boring. Sana approachable din at ok makisama. Sana madami akong matutunan sa kanila. Sana…well wish ko lang…Ating alamin kapag nag start na ako dun, kung saan man yun.

Pero syempre di ba, kung gusto mong maging ok ang pakikisama ng ibang tao sa iyo. Dapat sa sarili mo alam mong ok ka ring makisama sa ibang tao. Maging friendly, kung hindi nature sayo ang pagiging friendly at tahimik ka tulad ko. Hmmm basta maging friendly ka lang, wag managasa ng ibang tao. Sa mga chikahan wag manira ng ibang tao. Kapag naninira ng iba ang ibang mga kasamahan, dedma lang eh kung wala namang ginagawang masama sa iyo di ba, bat ka maninira? Be yourself din, ilabas ang tunay na sarili at wag magpanggap. Pero tanggapin na natin na kahit saan ka man magpunta may mga tao talagang for sure eh di mo makakasundo. You can’t please everybody di ba? Simple lang naman ang prinsipyo ko sa buhay, kung ayaw nila sayo, wala tayong magagawa dun, pumili ng ibang makakasama at makipag kaibigan.

Remember: The Golden Rule… Kung ayaw mong gawin sayo, wag din gawin sa iba.

Basta ang masasabi ko na lang ay GUDLUCK..

Kaya natin to….Aja…

Posted by starlight at 12:24 pm | permalink | Add comment

Time….is Gold

May 30, 2008

What Is Time?
Ayon sa ScienceDaily (Apr. 15, 2005) — The concept of time is self-evident. An hour consists of a certain number of minutes, a day of hours and a year of days. But we rarely think about the fundamental nature of time.

Continous ang paggalaw/pag usad ng time, ang pag tick ng clock and we can never turn back the hands of it. So we must spend our time wisely. Spend it with your loved ones before it’s too late. Kadalasan kasi sa mga taong busy sa trabaho nakukulangan pa sila ng oras para gawin ang mga trabaho nila, mas may oras pa sila sa work kesa sa pag spend ng quality time sa mga mahal nila sa buhay. Pwede namang magkaroon ng balance, time management ika nga. Kaya naman yun eh kung gugustuhin eh di ba? Nasa tao lang naman yun eh kung gusto rin nya ng may quality time for the family/friends and time for work. Mas maganda ang ganung klaseng lifestyle na meron ka para mas humaba pa ang buhay mo. Mahirap naman na 1 sided lang na puro work ka na lang and wala ng pleasure. Maaga kang malalagutan ng hininga nyan, kawawa ka at hindi mo man lang naenjoy ang lahat ng pinagtrabahuhan mo. At hindi lang yun, hindi natin alam kung anong mangyayari sa future, kaya payo ko lang pahalagahan ang oras.

Every second counts so don’t waste it. Make the most out of it, para wala tayong pagsisihan sa bandang huli.

It’s your call, it’s your choice. Time is Gold…


Posted by starlight at 3:41 pm | permalink | comments[1]

NoseBleed.. =(

May 26, 2008

Nose Bleed…Bakit nga ba kapag nag eenglish tayo eh lagi na lang natin sinasabing nagdudugo ang ilong ko or nagnonosebleed tayo. May scientific explanation ba na kapag nag english ka eh mag nonosebleed ka?
Or sadyang ganun lang talaga ang nasasabi ng mga kagaya kong hindi kagalingan sa english na kailangan ng blood donor kasi magiging anemic ka sa pag iisip ng tamang word para ma express ang sarili mo in english. Pero sa mga taong fluent at sanay mag english, carry na lang hehehe. Ok lang naman yan as long as nakakaintindi ka at kahit papano eh naeexpress mo ang gusto mong sabihin in English. Bakit naman sa ibang bansa bihira rin sa kanila ang nakakaintindi at nakakasalita ng english pero maunlad pa rin ang economy nila. Pero big factor talaga na alam mo ang international language which is English. Malaking tulong sya lalo na kapag nasa ibang bansa ka.

Marami pang advantage kapag marunong kang mag English.

1) Advantage kapag nag aapply ng work, lalo na kung sa Call Center ang papasukin mo.

2) Makakasurvive ka sa ibang bansa na English ang ginagamit na language kapag marunong kang mag english. Madaling makipag communicate.

3) Maaappreciate ang mga English movies, sitcoms, shows na di na binabasa ang subtitles sa tagalog.

4) Maappreciate rin ang mga english books, magazines, encyclopedia at kung anu-ano pang english na babasahin.

5) Madaling intindihin ang subject na Math at Science kung english language ang gagamitin.

6) Madaling makahanap ng foreigner na kachat sa mga chatrooms.

7) Kapag sosyal ka at nagsosyal sosyalan madalas ring gamitin ang english language.

Mas maigi at malaking advantage talaga kung marunong tayo mag English, pero sana naman wag rin nating kalimutan ang sariling wika natin.

Ano pa man ang mangyari, I’m Proud to be a Filipino…(sabay english hehe) Cheers !!!!

Posted by starlight at 6:59 pm | permalink | Add comment

Pressure….

May 23, 2008

Pressure…
I hate pressures, sino ba naman ang may gusto nito di ba? Pero di naman maiiwasan ito eh, bigla na lang syang darating ng di mo inaasahan. Syempre hindi ka naman laging naka ready para harapin ito, kasi nga bigla na lang itong bubulaga sa iyo ng wala kang kamalay-malay (ito man ay maging isang sitwayon, bagay or tao) .

Just treat it as a challenge, kapag nalampasan mo naman ang ganitong situation eh for sure mas magaan sa pakiramdam dahil may bago ka na namang natutunan.
Take it easy, relax and have a kitkat…Part na talaga ng daily life natin ang pressure at stress, yun nga lang we have to deal with it, and cope up para naman hindi tayo magkasakit.

Sa mga tulad kong nakakaexperience ng ganitong situation. Goodluck and goodluck, yun lang ang masasabi ko…Aja!!! Kaya natin to… Cheers !!!!

 

Posted by starlight at 2:44 pm | permalink | Add comment

Antok…zzzZZZZ

Antok…ako ay isang taong antukin…Mas gusto ko pang matulog kesa ang sa kumain (pero di ibig sabihin nun eh hindi ko gustong kumain).

Hindi maiiwasan at malalabanan ang antok lalo na sa mga panahon ngayon na malamig at maulan.
May mga panahon na kailangang labanan ang antok lalo na kung ikaw ay nasa opisina, syempre kailangan mong mag trabaho para kumita di ba? Anu-ano nga ba ang mga pwedeng gawin para makaiwas sa pagkaantok.

1) Tumayo sa kinauupuan at maglakad-lakad (Mag akyat-baba sa hagdan para ma exercise)

2) Manghila ng kaopismeyt para magawa ang step#1 syempre mas nakakawala ng antok kapag may kasama ka kung gagawin ang step#3

3) Chumika, manggulo at makipagbalitaktakan sa mga ka opismeyts (syempre gawin ito kapag wala ang boss)

4) Kung may pantry, magpunta ng pantry, magtimpla ng kape at uminom ng kape (kundi mahilig sa kape uminom ng malamig na tubig para magising ang dugo

5) Mag-ayos ng mga papeles or gamit na nakakalat sa table

6) Tumawag sa telepono at kausapin ang mga taong matagal mo ng di nakakausap (kumustahin sila at tanungin kung inaantok rin sila gaya mo)

7) Basahin ang status ng mga nakaonline sa YM at tingnan ang mga avatars (pictures na nakapost) at mag comment

8) Kung maswerte ka at may access ka sa internet (magbasa-basa ng mga kapakipakinabang na pwedeng mabasa dipende sa hilig mo mapanews,sports or showbiz chika man yan, kung talagang mas malakas ka pa at pinagpala mag browse sa youtube at friendster, pwede ring mag blog hopping tulad ng ginagawa mo ngayon)

9) Makinig sa mp3 na nakasave sa computer mo (mas maganda kung mga rock music tapos malakas ang sounds para sure na gising ka)

Ikaw anong ginagawa mo para maalis ang antok mo?

Haysss nakakaantok naman….ikaw hindi ka ba inaantok?

Sige gagawin ko muna ang steps 1-9 ha para magising dugo ko…Try mo rin baka makatulong ang mga steps. =)

Posted by starlight at 10:36 am | permalink | Add comment

= Music in My Heart =

May 21, 2008

Music plays a big part in my life…Obvious ba music lover ako eh…as in, yun nga lang hindi ako marunong mag play ng mga musical instruments gaya ng iba. Although my gitara ako na i think eh mahigit kumulang ng isang taon sa akin, pero till now eh wala pa rin akong alam ni isang pyesa na pwedeng  matugtog. Hilig ko ring kumanta, pero sa tingin ko yung kanta ay walang hilig sa akin.

Anyways maiba naman ako, Walang kulay ang buhay para sa akin kung walang music. Music has different genres and types.
 

And below are some of the genre na patok sa aking panlasa, este pandinig pala…

  • Rock/Alternative Rock/Pop Rock - Ito ang kadalasang pinakikinggan ko kapag medyo badtrip ako or medyo wala sa mood. Well minsan kapag maganda yung melody at trip kong pakinggan pwede na rin.

  • Ballad/Mellow/Love Songs - Madalas ko rin syang pakinggan, kapag medyo trip kong magmuni-muni at magpaka senti.Kapag tipong gusto mong gunitain ang nakaraan (or balikan ang nakalipas) or kung gusto mong hanapin ang sarili mo dahil nawawala ka na sa sirkulasyon sa dami ng iyong problema (tamang mag eemote ka lang habang nakikinig ng ballad or mga mellow songs) bagay sa iyo ang mga ganitong type ng music.  Hindi lang naman pang inlove ang love songs di ba? Pwede rin ito sa mga taong mahilig sa mga senti, sa mga taong sawi, umaasa pa at nalipasan na ng panahon.

  • Upbeat/Dance - Mas masaya kasi pakinggan ang mga ganitong klaseng tugtugin nakakaindak at nakakarelease ng stress. Nakakatuwa rin minsan ang mga ganitong music sumisikat ng husto lalo na kapag sinasayaw ng mga sikat na artista either kapamilya or kapuso (si Marianne Rivera, Mark Herras, UD4 to name a few) patok na patok ito lalo na sa mga kabataan. Mas ok rin ang ganitong music kung nageexercise ka, or naglilinis ng bahay mas ganado kang kumilos di ba?

  • Pop/RnB - Sa lahat ng genre ito ang pinaka favorite ko, ewan ko basta favorite ko to,  Yung RnB naman cool din pakinggan lalo na yung mga bago ngayon bukod sa maganda yung melody ok rin ang lyrics.

  • Classical Music - Hindi ako masyado into classical music although meron akong isang paboritong pakinggang yung Canon, ang ganda kasi ng melody nya at nakakarelax.
    Classical music din ang kadalasang pinakikinggan ng mga buntis, nakakatulong sa development ng brain ni baby. (O divah may trivia pa hehe)

Habang lumilipas ang panahon, may changes man sa style ng mga singer, mapabanda man yan or solo artist, at sa tema/style ng mga composer sa pag create ng music hindi maikakaila na ang music ay part na talaga ng buhay ng bawat isa sa atin.

Lahat naman tayo eh may kanya-kanyang favorite, or theme song ng buhay. Corny man pero ganun talaga, aminin mo man o hindi may kantang sobrang nakakarelate ka at babagay na theme song ng buhay mo.

By the way I have also uploaded/shared some of the songs that i enjoyed listening to. (just click/visit my Audio page)

Enjoy and Happy Listening =)

 

 

Posted by starlight at 2:34 pm | permalink | Add comment

Steps to happiness…paano nga ba?

May 16, 2008

I like reading inspirational stories, quotes and poems, masaya eh, nakakagaan ng feeling, pag emotional or depressed ka or walang magawa, magbasa ka lang ng mga short stories mas magiging positive ang tingin or outlook mo sa buhay…Share ko lang ang poem na ito about "Steps to happiness". Paano nga ba?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Steps to Happiness

 

Everybody Knows:
You can’t be all things to all people.
You can’t do all things at once.
You can’t do all things equally well.
You can’t do all things better than everyone else.
Your humanity is showing just like everyone else’s.

 

So:

You have to find out who you are, and be that.
You have to decide what comes first, and do that.
You have to discover your strengths, and use them.
You have to learn not to compete with others,
Because no one else is in the contest of *being you*.

Then:

You will have learned to accept your own uniqueness.
You will have learned to set priorities and make decisions.
You will have learned to live with your limitations.
You will have learned to give yourself the respect that is due.
And you’ll be a most vital mortal.

Dare To Believe:

That you are a wonderful, unique person.
That you are a once-in-all-history event.
That it’s more than a right, it’s your duty, to be who you are.
That life is not a problem to solve, but a gift to cherish.
And we’ll be able to stay one up on what used to get us.

- Father Pat

(http://www.inspirationalarchive.com/texts/topics/happiness/stepstohappiness.shtml)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

 

Tama naman di ba?  Para sa akin walang perpektong tao, kaya kailangan nating taggapin kung ano ang mga strengths and weaknesses natin. Magkakaiba tayo, ang bawat isa ay may kanya-kanyang kakayahan, meron akong mga bagay na kayang gawin na hindi kaya ng iba. Meron akong mga bagay na nakakamit na hindi nakakamit ng iba and vice versa. Gusto kong magpasaya ng iba, pero sinong magbibigay ng kasiyahan sa atin? Pamilya, kaibigan at mga mahal sa buhay ang higit na nakapagpapasaya sa atin at hindi materyal na bagay lang . Gusto kong mainspire din kayo sa poem na ito tulad ko. Matuto tayong pahalagahan at mahalin ang ating mga sarili, dahil ito ang unang hakbang para makamit natin ang true happiness.

 

 

Posted by starlight at 4:28 pm | permalink | comments[1]